Third Person POV
Excited si Marianne habang inaayos ang mga gamit niya sa loob ng kanyang backpack. Pupunta kasi sila ni Henry sa isang falls sa karatig bayan. Ang falls pa naman na yun ay madalas mai vlog dahil sa napaka linis ng tubig dito at sa taglay na kagandahan nito. Narinig ni Marianne na kumatok si Mark sa pinto. “Ate ready ka na ba? Nasa labas na si Henry, hinihintay na tayo” ani Mark. “Oo ready na ko” ani Marianne. Lumabas na siya ng kanyang kwarto. “Ate swimming ang pupuntahan natin hindi landian ah!” pang-aasar ng kapatid ni Marianne. “Gago! May malaswa ba sa suot ko? Kita na ba p*ke at ut*ng ko sa suot ko? Hindi naman ah!” sigaw at hampas ni Marianne sa kapatid. “Aray naman ate! Bibig mo walang preno! Joke lang, di ka naman mabiro, tara na nga” sabi ni Mark. Paglabas nila ng pinto ay nakaabang dun si Henry. Namangha si Marianne sa itsura ni afam, effortless ang kagwapuhan. Nawala na naman sa katinuan ang isip ni Marianne nang makita ang suot na polo shirt na puti na hapit sa ma muscle na braso ni afam, khaki shorts, at sandals. Mula ulo hanggang talampakan ang yummy, ang sarap dilaan! Biglang natauhan si Marianne sa kanyang isipan at kinawayan siya ni Henry na nagtataka. “Are you alright Marianne?” tanong ni Henry. “A-ah wala to na excite lang ako makapasyal ulit. I mean I’m just excited about our trip ”pagsisinungaling ni Marianne. “Manonose bleed yata ako dito” bulong ni Marianne sa sarili. Paglabas ng tatlo sa gate ay may sumalubong sa kanila na isang magandang dilag. “Hi po! I’m Jessica, pinsan po ako ni Henry, ako po ang magmamaneho at magtotour po sa inyo sa pupuntahan natin”, naka ngiting banggit ng babae. Kakamayan sana ni Marianne ang kamay nito ng biglang umeksena si Mark, “Hi, Jessica, I’m Mark, bunsong kapatid ni Marianne, I’m single and ready to mingle by the way”, malambing at malanding sabi ni Mark. Kinurot naman siya sa tagiliran ni Marianne, “Sorry Jessica, wag mo ng pansinin itong loko loko kong kapatid”, banggit ni Marianne sabay ng panlalaki ng mata kay Mark. “It’s fine, don’t worry, sa tingin ko kayong dalawa ni kuya Henry ang nasa driver’s seat since magkakilala na kayo, kami na lang ni Mark ang nasa unahan” wika ni Jessica. “Good idea, tama, tama yan!”, nakangising sabi ni Mark. “Let’s go guys”, ani Henry. Habang nasa biyahe sila ay nagsimulang magsalita si Jessica. “Nakapag pa reserve na ako ng tent na pag iistayan natin. Yung mga tent kasi doon ay hindi ordinaryong tent, gawa yun sa kahoy na mala tent style lang. May security rin doon kaya pwede natin iwan ang mga gamit natin doon. First stop natin ang pagpasok sa cave, since wala naman bagyo ay safe naman pumasok sa loob ng cave, pagkatapos nun ay mag lulunch na tayo then we’re ready to take a swim in the falls. May mga cook din kasi doon sa resort kaya nag hire kami ng magluluto ng mga kakainin natin, para di na hassle”, paliwanag ni Jessica. “Thank you for this, Jessica and Henry, thanks for inviting us”, ani Marianne. “You and your brother are always welcome, we don’t have friends here, and it will be boring if Jessica will accompany me”, ani Henry. “Am I that boring to you cous? Haha”, sabi ni Jessica. “No, it’s not what you think, it’s just having new faces in our trip is a good start, right?” wika ni Henry. “Yeah you’re right bro, it’s our first time to hang out with our neighbors, I hope it won’t be the last, haha”, nakangising sabi ni Mark. “Don’t worry, I’ll make sure it won’t be the last”, sabi ni Henry. Tuloy tuloy lang sa pagmamaneho si Jessica nang si Mark naman ang kumausap dito. “Jessica pasensiya ka na kung nakulitan ka man sa akin kanina. Ang ganda mo kasi eh, hindi na ko magpapaligoy ligoy pa, pero napahanga ako sa ganda mo. Hindi ako nagbibiro, kahit simple ka lang manamit ay maganda ka, ang puti at kinis mo. Para kang beauty queen. Ang swerte naman ng boyfriend mo sayo kasi parang total package ka na” wika ni Mark. “Huh? Boyfriend? Wala akong boyfriend. Never pa akong nagka boyfriend kasi focus lang muna ako sa trabaho ko, gusto ko munang enjoyin ang pagiging single. 22 years old pa lang naman ako so I think I’m not in a hurry pa naman to get into a relationship. Napapalibutan kasi ako ng mga taong heart broken sa family namin, mga kuya ko at pinsan ko, isa na yang si Kuya Henry haha, kaya ayoko muna at baka matulad din ako sa kanila haha”, paliwanag ni Jessica. Habang nag-uusap ang dalawa ay nakangiting nakikinig lang si Marianne, kinikilig siya sa kapatid niya. Natutuwa siya dahil gaya ni jessica, no girlfriend since birth din ang kapatid niya, batay sa kwento nito, ewan na lang kung naglilihim sa kanila ang kapatid niya. Biglang kinilabutan si Marianne nang magdikit ang mga braso nila ni Henry. Ayan na naman ang puso niyang kakabog kabog. Nanlaki naman ang mga mata niya nang hawakan ni Henry ang kamay niya at nilaro laro pa nito ang kamay niya na para bang magkasintahan sila kung magkahawak ang kamay, pero hinahayaan lang naman niyang gawin ito sa kanya ng lalaki dahil gusto rin naman niya. “Are you alright?” chill na tanong ni Henry na para bang normal lang sa kanya ang paghawak sa kamay ng babae. “Yes, I’m fine I’m enjoying the view here”, pagsisinungaling ni Marianne. Pilit na ikinalma ni Marianne ang sarili upang di siya mahalata ni afam. Pagkalipas ng isang oras ay narating din nila ang kanilang pupuntahan. Habang kausap ni Jessica ang caretaker ng mga tent ay busy ang tatlo sa pagpipicture, napakagandang bungad sa kanila ang malaking falls, mukhang sinwerte sila dahil kahit Sabado ay konti lang ang mga turista doon. “Marianne, come here please”, wika ni Henry. Nagtataka man pero lumapit sa kanya si Marianne, nagulat siya ng kinabig siya sa bewang ni afam at idinikit ang pisngi nito sa pisngi niya. “Let’s have a selfie together, say cheese”, ani Henry. Pagkatapos ng kanilang selfie ay tinawag na sila ng caretaker, “Sir ako na po ang magbubuhat ng gamit niyo ng girlfriend niyo” wika nito. “Ay kuya, di niya ako girlfriend, magkaibigan lang kami”, ani Marianne. “Ay ganun ba, sayang, bagay pa naman kayo, anyway magiging kayo rin naman balang araw ang lagkit niyong tingnan eh hehe” nakangising sabi ng caretaker. “Ehem! kuya sana magdilang anghel ka este!, yung bunganga mo kuya, ayusin mo, customer kami rito” pagtataray kuno ni Marianne. “Ay sorry madam, di na po mauulit”, ani caretaker. Maya maya ay naka ready na ang kanilang suot na safety gears para sa pagpasok sa cave, mga ilang minuto ang lumipas, medyo malayo layo na rin ang nalalakad nila sa cave at sa kalagitnaan, ay sinabi ng tour guide na doble ingat sa paglalakad dahil madulas ang mga bato na kanilang malalakaran, di napansin ni Marianne na sobrang dulas ng natapakan niyang bato kaya naman matutumba na siya subalit, nasapo naman siya sa likuran ni Henry at namula pareho ang kanilang mga mukha ng mapansin nilang dalawa na ang isang kamay ni Henry ang nakasapo sa kaliwang s*so niya, “Oh, I’m very sorry, I didn’t notice”, sabay alalay sa kanya ni Henry para makatayo siya. “Okay lang kayo?”, tanong ni Mark. “Oo, okay lang ako, tinulungan ako ni Henry”, ani Marianne. “Please take my hand Marianne, I don’t want you to be in danger again”, wika ni Henry. Sinunod naman ni Marianne ang sabi ni afam. Hindi tuloy niya malaman kung sa bato batong daan ba siya nanganganib o sa feelings niya, dahil para bang may kulungan ng mga paru paro sa kanyang tiyan sa sobrang kilig. Makalipas ang isa’t kalahating oras ay nakabalik na sila sa falls, at habang hinihintay nilang maluto ang kanilang kakainin, ay hindi na nila mapigilang hindi lumangoy. Gustong gusto na nila ibabad ang kanilang mga katawan sa falls kaya naman walang patumpik tumpik pa ay nagsi talon na sila sa masarap at malamig na tubig na galing sa falls. “Mark, halika! May ipapakita ako sayo”, sigaw ni Jessica sa lalaki. “Papalayong lumalangoy ang dalawa kaya naman naiwan sa isang tabi sa falls sina Marianne at Henry. Lumangoy na lumapit si Henry kay Marianne, “Hey Marianne, I’m glad that you’re having fun here. Please don’t get me wrong but, last time when we’re in the café, I introduce myself to you, so…why not it’s your turn to present yourself”, wika ni Henry. “Alright, I think it’s fair to establish myself since there will be more times that will be hanging out. So, my full name is Marianne Reyes Esguerra, I’m 24 I work as an Administrative Assistant in a Skin Care Company, I have a brother and a mother. Our father passed away when we were very young. So, my mother had a tough time giving us a better life. We have a very poor life, but that moment gave us the inspiration to pursue our dreams in life. Though we’re not that rich but look at us now, my brother and I finished our studies and now, we live in a village, we’re no longer living in the slums” mahabang pagkukuwento ni Marianne. “Wow, what an inspiring story. Your father must be proud of you. May I ask a question?” tanong ni Henry. “Sure, what is it?” sabi ni Marianne. “Do you have a boyfriend?“ diretsong tanong ni afam. Nagulat si Marianne sa tinanong ng lalaki subalit mabilis din niyang sinagot ang tanong nito. “No, I don’t have a boyfriend right now. So, I’m Single as of this moment”. Lumawak ang ngiti sa labi ni Henry at sinabing “Uhhmmm….I want to say it straight to you, I know things are happening very fast, but I don’t want to past this moment, I’m single too. Is it okay with you if we go on a date? I mean in tagalog they say it as ligaw. Do you want me to make ligaw to you?”. 100 percent na kumalas na ang puso sa rib cage ni Marianne at tila naghihiyaw sa tuwa ang labi ng k*pyas niya sa sobrang kilig. Tila nataranta si Marianne sa magiging reaksyon niya at sasabihin kaya naman nasabi niya na “Yes daddy! Oh yes yes! Aaahhh Aaaahhh!”. Tila bumalik sa ulirat si Marianne nang marealize ang mga kagagugang sinasabi niya “No, Yes I mean, yes Henry please make ligaw to me” matamis na sinabi niya. Sa isip isip ni Marianne ay…
Yes! This is it!
My first step in AFAM journey begins!