Chapter 17: Rescue

1948 Words
Marianne’s POV Matapos kong makapili ng pabango na ireregalo ko kay Henry ay agad ko na itong binayaran sa cashier. Pagkatapos ay napagpasyahan ko nang umuwi agad. Mahina ang signal sa loob ng department store, kahit sinubukan kong ilabas sa store ang phone ko ay mahina pa rin, kaya napagdesisyonan kong mag abang na lang ng taxi sa labas. Para makasigurong walang mangyayari sa akin ay nagpasama ako sa guard ng store habang nag aabang ng taxi. Pumayag naman ang guard at buti na lang ay may dumating agad na taxi kaya nakasakay agad ko. Pagpasok ko sa taxi ay sinabi ko sa drayber ang destinasyon ko. Muli kong sinilip ang laman ng paper bag, sa tingin ko ay magugustuhan ni Henry ang pabangong nabili ko. Hindi ganoon katapang ang amoy nito, iswak din sa pang amoy ko dahil medyo sensitibo ako sa mga pabango dahil na rin sa allergy ko. Maya-maya ay sumilip na ko sa bintana ng taxi at napansin ko na medyo ibang lugar na ang tinatahak ng taxi. “Kuya parang hindi po ito ang tamang daan papunta sa bahay namin. Wala rin naman shortcut papunta sa min kuya. Mukhang nagkamali po kayo ng dinaanan,” sabi ko. Ngunit, wala akong nakuhang sagot kay kuya drayber, bagkus, naramdaman kong mas bumilis ang pagtakbo ng sasakyan. Dito na ako kinabahan at nataranta, “Kuya diyan na lang po ako sa kanto bababa, paki hinto na po,” ani ko. Ngunit, hindi pa rin tumitigil ang taxi at tuloy pa rin sa pag andar ito. “Kuya, pag hindi mo tinigil ang taxi, tatawag ako ng pulis!” galit na sinabi ko habang nilabas ang phone ko upang buksan subalit biglang huminto ang taxi at gumilid sa daan, dahilan upang mauntog ako sa bintana at mabitawan ang phone ko, sa lakas ng pagka untog ko ay nahilo ako. Kinuha ng drayber ang celphone at tinapon niya ito sa labas, hindi ko napigilan ang drayber dahil sa hilo ko. Nang umayos na ang kalagayan ko ay umiiyak na ko, muling nagmaneho ang drayber. Bubuksan ko sana ang pinto para tumalon kahit alam kong delikado pero naka lock pala ito. Hahampasin ko sana ang drayber subalit may usok na lumabas dahilan upang mahilo ako at makatulog. Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko ang putting kisame. “Na-nasa ospital ba ako?” ani ko. “Wala ka sa ospital Sweetheart, nandito ka sa hideout namin, hehe”, pamilyar na boses ang narinig ko at nang tumingin ako sa pinanggalingan ng boses ay nakita ko si Jonas. “Jo-jonas? Bakit nandito ka? Hayop ka!” sabi ko. Gusto ko siyang sapakin subalit nakatali ang mga kamay at paa ko sa kama. “Masyado mo kasi akong minaliit, hindi mo alam kung ano ang mga kaya kong gawin. Siyempre nandito ako dahil nakatakas ako sa kulungan! Kasi magaling ako! Magaling ako sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa kantut*an hahaha!” sabi ng demonyong si Jonas. “Hayop ka talaga Jonas! Hindi mo talaga ako titigilan! Tahimik na ang buhay ko! Tantanan mo na ako please” pagsusumamo ko. “Hindi talaga kita tatantanan sweetheart hanggat di pa kita natitikman. Bubuo tayo ng pamilya kasama si Beth. Kayong dalawa ang magiging mga asawa ko, the more the merrier hehe” ani Jonas. “Hindi na kita mahal! Iba na ang mahal ko! Ikakasal na kami ni Henry kaya please lang, pakawalan mo na ako dahil madadagdagan lang ang mga kasalanan mo sa batas,” sabi ko. “Ows ikakasal na kayo? Kala ko pa naman napaghiwalay na kayo ni Joy, hindi rin pala umubra yung paninira niya sa inyo,” wika ni Jonas. Nagulat ako sa sinabi niya, “Si Jo-Joy?” ani ko. “Oh bat gulat na gulat ka? Ay oo nga pala, hindi ko pala nakuwento sa yo. Ang kaibigan mo ay kaibigan ko din, kaya syempre tinulungan ako ni Joy para paghiwalayin ko kayong dalawa’ sabi ni Jonas. “Hi-hindi ako naniniwala sayo! Sinong matinong tao ang makikipagtulungan sa adik na gaya mo?” sigaw ko. “Eh di si Joy! Kausapin mo na lang siya pag nagkita kayo. Hindi na talaga ako makapag hintay sweetheart, mamaya, aangkinin na kita, at sinisiguro ko sayo, hindi ka magsisisi. Dadalhin kita sa ikapitong langit hahahaha!” ani Jonas. Lumabas na siya ng kwarto at naiwan ako mag isa. Sinubukan kong kumawala pero napaka higpit ng pagkakatali sa akin. “Kayo na po ang bahala Panginoon, kung ito man ang huling araw ko sa mundo, kayo na po ang bahalang magparusa sa mga taong nagpahirap sa akin,” pagdadasal ko. Lalong napalakas ang hagulgol ko nang muli kong sinubukang kumawala pero bigo talagang mangyari. Sa pagod ay muli akong nakatulog. Henry’s POV Nang magsalita si Jonas sa telepono ay napasuntok ako sa pader. “Hayop ka Jonas! Ibalik mo sa kin si Marianne! Pagsisisihan mo itong ginawa mo!” sigaw ko. “Wala na kong pagsisisihan pa, matagal na kong nasa impyerno kaya kahit si Satanas sinipa na ko palabas dahil mas talo ko pa siya sa kagaguhan hahaha! Huwag kang mag-alala, titikman ko lang naman si Marianne, pupunlaan ko lang ang matres niya, tapos ibabalik ko rin siya sayo, yun eh kung babalik pa siya sayo, sa tingin ko kasi ay masasarapan siya pag tinikman ko na siya, kaya hindi niya akong magagawang ipagpalit sa iba hahahaha!” ani Jonas. Magsasalita pa sana ako kaso ibinaba niya na ang phone. Muli kong niredial pero cannot be reach na. Pagkababa ng celphone ko ay nag ring naman ang celphone ni Aling Miriam, nang sagutin niya ito ay pulis pala ang tumatawag, ni loud speaker ni Aling Miriam ang phone para marinig ko rin ang usapan nila. “Magandang gabi po Mrs. Miriam Esguerra, si Police Officer Santos po ito, mula sa Station 7, tinatawagan po namin ang numero ni Ms. Marianne kaso ay hindi po makontak kaya kayo na lang po ang tinawagan namin. Nais po namin ipaalam sa inyo na nakatakas po sa kulungan si Jonas kaya mag iingat po kayo ng inyong anak at ng nobyo niya, sa ngayon ay pinaghahanap na po namin siya at sinuspinde na rin po ang naka duty na officer kanina” wika ng pulis. “Sir! Ayun nga po ang problema, irereport ko na rin po na kanina pa hindi nakakauwi ng bahay si Marianne, ang sabi niya lang saglit lang siya sa labas dahil may bibilhin siya pero anim na oras na ang nakalilipas eh hindi pa siya nakakauwi. Hindi rin po makontak ang number niya. At ito nga po katatawag lang ni Jonas kay Henry, at sinabing hawak niya ang anak ko, sir please po tulungan niyo kami. Adik ang Jonas na yun at nasa panganib ang buhay ng anak ko,” umiiyak na sinabi ni Aling Miriam. “Sige po Ma’am, ngayon mismo ay hahanapin namin siya, pupunta rin po ang mga kasamahan ko ngayon sa bahay niyo upang bantayan kayo at makuhaan kayo ng statement. Huwag po muna kayo lalabas ng bahay hanggat hindi dumadating ang mga kasamahan ko,” bilin ng pulis. Nang maibaba na ang tawag ay niyakap ko si Aling Miriam para pakalmahin. Kahit ako ay ninenerbiyos sa nangyari, pero kailangan kong maging matatag upang mapakalma si Aling Miriam. Kung ako nga ay ninenerbiyos pano pa kaya ang isang ina na katulad niya, hindi hamak na doble ang sakit na nararamdaman niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para mailigtas siya. Kung bakit pa kasi ako nagkulong sa bahay, sana nakipagkita agad ako kanina pa kay Marianne para nasamahan ko siyang lumabas. “Tita, bakit po pala lumabas si Marianne gayong alam naman niya na mapanganib na lumabas siya mag isa dahil hindi pa nahuhuli ang mga kasamahan ni Jonas?” tanong ko. “Gusto niya kasing makipagbalikan sayo anak, at para magawa niya yun ay bumili siya ng ipang reregalo sayo sa labas. Sinabi niya kasi na sa malapit lang siya pupunta at hindi magtatagal, tumawag pa nga siya ng Grab Car at nangako naman siya na ganoon din ang sasakyan niya pauwi kaya pumayag ako. Kahit naman na hindi ako pumayag ay lalabas pa rin siya. Gustong gusto niya kasi bilhan ka ng regalo dahil gusto niya talagang makipag balikan sayo.” paliwanag ni Aling Miriam. Lalo akong naguilty sa sinabi ni Aling Miriam, nanimik ang dibdib ko sa narinig ko. “Sorry po Tita…ka-kasalanan ko pala kung ba-bakit nakidnap si Marianne”, nanghihinang nasabi ko habang nailamukos ko ang aking mukha sa lungkot. Maya-maya ay tumutulo na rin ang luha ko dahil sa guilt. “Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan anak. Mahal ka talaga ni Marianne at handa siyang gawin ang lahat para lang bumalik ka sa kanya. Alam mo bang nagsisisi siya na nakipaghiwalay siya sayo? Yun ang dahilan kung bakit lumabas siya, gusto niyang bumili ng ireregalo sayo. Pero hindi mo kasalanan kung nakidnap siya ni Jonas. Kahit naman na hindi siya lumabas ng bahay ay gagawa at gagawa ng paraan ang Jonas na yun para makuha niya ang anak ko. Kaya kung may sisisihin man ay walang iba kundi si Jonas! Dapat matapos na ang kasamaan niya” wika ni Aling Miriam. Marianne’s POV Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko, pagdilat ng mga mata ko, si Jonas ang bumungad sa akin. “Bitiwan mo ako, nakakadiri ka!” sigaw ko. “Ang sungit naman ng sweetheart ko, tingnan mo nga ang sarili mo, ang ganda ganda mo sa nighties na suot mo oh, ang bango bango mo pa. Magpasalamat ka kay Beth dahil nilinisan at binihisan ka niya habang tulog ka. Wala ng makakapigil pa sa akin sweetheart, matitikman na rin kita sa wakas, ang tagal kong hinintay ito,” baliw na sinabi ni Jonas. Dumagan sa ibaba ko si Jonas, dinilaan niya ang leeg ko. Diring diri ako sa ginagawa niya. At dahil doon ay dinuruan ko ang mukha niya. “Tarantado ka ah!” sabi ni Jonas sabay sampal ng malakas sa mukha ko. Napakahapdi ng mukha ko sa ginawa niya, subalit ayos lang yun, magandang naduruan ko siya para makita niya na nandidiri talaga ako sa kanya. Akmang huhubaran na ako ni Jonas nang biglang may putok ng baril kaming narinig. “Ano yun?!” ani Jonas. “Nariyan na ang mga pulis hayop ka Jonas mahuhuli ka rin nila!” sigaw ko. “Put*ng ina sinong nagturo ng kuta namin!’ muling sabi ni Jonas habang binunot ang baril sa gilid niya. May nagbukas ng pinto at pumasok ang isa niyang kaibigan. “Pre! Sinusugod tayo ng mga pulis!” wika nito. Agad naman lumapit sa akin si Jonas at tinanggal ang pagkakatali ng mga paa ko. Sinunod niyang tinanggal ang tali sa mga kamay ko, nang bigla ko sinipa nang malakas ang ari niya at nang makawala ako ay papatakbo na sana ako, subalit, nahabol ako ng kaibigan niya at nahablot nito ang buhok ko. “T*ng ina mo tatakas ka pa!” sabi nito habang sinabunutan niya ang buhok ko. “Ako ng bahala sa kanya pre, huwag mong hayaang masundan kami ng mga pulis!” wika ni Jonas. Nang mahawakan ako ni Jonas ay binigyan niya ako ng malakas na suntok sa sikmura pagkatapos ay tumumba ako sa sahig. Hindi pa nakuntento ay sinipa pa ako nang malakas sa mga hita ko. “G*go ka tingin mo matatakasan mo kami? Halika rito!” hinila ako ni Jonas. Dahil sa sakit na naramdaman ko sa bugbog ni Jonas ay hindi na ako makapalag sa kanya. Hinang hina ako at wala akong magawa kundi ang magpatangay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD