Chapter 16: Walang pansinan

1951 Words
Marianne’s POV Matapos ang pagtatalo namin ni Henry dalawang araw na nakalipas ay napag pasyahan kong umuwi na sa amin, tutal ay tapos na kami. Wala ng dahilan para mag stay pa sa bahay niya. Dalawang araw na rin ako hindi pumapasok sa opisina, naki usap ako kung pwede akong mag work from home. Buti at pumayag ang boss ko. Mahirap man pero pilit kong kinakaya ang magtrabaho sa bahay kahit may pinagdadaanan ako. Nasa loob ako ng kwarto habang nagtatype, hindi ko na rin makilala ang itsura ko dahil maga ang mga mata ko. Sa loob ng dalawang araw walang komunikasyon ang naganap sa pagitan namin ni Henry. Sabagay nakipag hiwalay na nga pala ako sa kanya, kaya bakit ako mag eexpect na habulin niya ako? Siguro nga ay totoong hindi niya ako mahal kaya hindi niya na rin ako kinakausap. Maya-maya ay may kumatok sa bahay at nang bumukas ito ay pumasok si nanay. “Anak heto ang almusal, mag almusal ka na dahil anong oras na rin at mamaya ay mag tatanghali na.” sabi ni nanay. “Wala pa kong gana kumain nay, maya na lang siguro, tapusin ko muna itong tinatype ko” ani ko. “Naku anak, huwag kang magpalipas ng gutom. Please kumain ka muna kahit konti. Alam mo, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa nangyari, pati ako anak nasasaktan din” wika ni nanay. “Anak, ano ba talaga ang dahilan kung bakit naghiwalay kayo ni Henry? Please anak sabihin mo naman para maibsan ang sakit na nararamdaman mo ngayon, nandito ako para damayan ka anak.” paliwanag ni nanay. Lumapit ako kay nanay at niyakap siya nang mahigpit, swerte ko dahil may nanay akong handang damayan ako sa oras ng problema. “Kasi nay, nalaman ko na hindi pala afam si Henry. Isa pala siyang Pilipino at hindi siya mayaman. Nagalit ako kasi nagsinungaling siya sa akin. Nagmukha akong tanga. Hindi ko alam kung totoong mahal niya ako. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko pa ba siya.”sabi ko habang tumutulo ang luha ko. “Tapos nalaman din ni Henry yung sikreto ko mula kay Joy. Nalaman niya na kaya gusto ko na afam ang makarelasyon ko dahil sap era, para matupad ang mga pangarap ko. Pero nay, dati pa yun, hindi ko siya minahal dahil sa pera. Minahal ko siya sa kung anuman siya. Pero naguguluhan na rin kasi ako nay, pareho namin niloko ang isa’t isa. Kaya…kaya…nakipag hiwalay ako sa kanya.” Hindi ko na kinaya at napahagulgol muli ako. Habang niyakap ako ni nanay ay hinahaplos naman niya ang buhok ko. “Sige anak iiyak mo lang yan, ilabas mo lang anak. Pwede bang payuhan ka ni nanay? Heto anak ah, kapag humupa na ang pag-iyak mo, ayusin mo yung sarili mo, tignan mo oh, pumapangit ka na, ang itsura mo oh di mo naalagaan.” wika ni nanay. “Nay naman eh, nakuha mo pa mag joke” sabi ko sa kanya. “Hindi anak seryoso ang nanay mo, kapag wala ng luhang mailabas ang mata mo. Maligo ko tapos ayusin mo sarili mo mag make up ka o kung ano pa man, in short magpaganda ka pagkatapos mo umiyak. Tapos kumain ka ng marami, yung mga paborito mong pagkain kainin mo. Pag nagawa mo na yun, manood ka muna ng paborito mong palabas, mapapansin mo anak giginhawa ang pakiramdam mo. Kapag guminhawa na ang pakiramdam mo, yun ang oras na isipin mo nang kalmado ang nangyari sa inyo ni Henry. Pag isipan mong mabuti kung tama ba ang naging desisyon mo. Kung kailangan mo ng makakausap, anytime anak pwede mo ako tawagin, okay?” paliwanag ni nanay. “Sige po nay, gagawin ko po yang mga sinasabi mo, salamat po sa payo”, sabi ko. Lumabas na si nanay sa kwarto at ako naman ay umidlip. Pagdilat ng mata ko, tinignan ko ang orasan, mga isang oras din ako nakatulog, kaya naman nakaramdam na talaga ako ng gutom, kaya kumain muna ako sa kusina. Medyo trip ko kumain ng corned beef, kaya binuksan ko ang mini pantry namin at buti naman ay may corned beef doon kaya ginisa ko na agad ito. Nang matapos na ako kumain ay umakyat na ako ng kwarto at nanood muna ng mga vlog. Tungkol sa travel ang mga pinapanood ko kaya bigla ko tuloy namiss gumala. Sana ay magkaroon ako ng time na makapunta sa dagat ulit. Nang nagsawa na ako manood sa phone ay naisipan ko ng maligo. Pakiramdam ko ay nanlalagkit ako sa init kaya naman nag general cleaning ako ng katawan ko, at nang matapos maligo ay sangkaterbang skin care products ang pinahid ko sa aking katawan, medyo nakakaginhawa kasi pag may pinapahid ka na mga pampaganda sa katawan mo nakaka gaan kasi ito ng damdamin. Nang matapos na ako sa skin care routine ko ay naupo ako sa aking kama. Tama nga si nanay, kapag nagawa ko nga ito ay gagaan ang pakiramdam ko. Ayos din pala itong “Me Time” na tinatawag. Kaya naman muli kong inisip ang nangyari sa min ni Henry, this time medyo magaan na ang pakiramdam ko kaya makakapag isip na ko nang maayos. Binalikan ko ang huling pag-uusap namin ni Henry. Sa pagkakataong ito ay tinawag ko na si nanay upang humingi rin ng payo. Kinwento ko sa kanya ang buong detalye ng pagtatalo namin ni Henry, at ang nasabi niya ay “Sa tingin ko anak, kailangan niyo pa ulit mag-usap ni Henry, kasi sa nakikita ko, marami pa kayong dapat pag-usapan, medyo nadala kayo ng matinding emosyon kaya hindi niyo pa nauunawaan nang mabuti ang side ng bawat isa. Pero batay sa kuwento mo, may isang malinaw sa akin, yun ay ang Mahal niyo talaga ang isa’t isa. Yan ang klaro para sa akin. Kaya anak, bigyan mo ng pagkakataon si Henry pati ang sarili mo na magpaliwanag sa isa’t isa. Mag-usap kayo ng kalmado, na wala munang sigawan at galit. Baka pag sakaling narinig niyo na ang buong kuwento, baka doon niyo maunawaan ang isa’t isa. Malay mo, magkabalikan kayo ulit. Posible namang mangyari yun dahil nagmamahalan kayo. Wala kasing perpektong relasyon anak. Kami nga ng tatay mo, noong nabubuhay pa siya, ang dami rin naming pinagdaanan, pero lahat yun ay nalagpasan namin, dahil may tiwala kami sa Panginoon at sa isa’t isa,” mahabang paliwanag ni Nanay. “Salamat po nay, tama nga po kayo, kailangan ko ulit bigyan ng chance si Henry na magpaliwanag,” ani ko. Nang matapos ang pakikipag-usap ko kay Nanay ay nagbihis ako dahil lalabas ako upang bumili ng peace offering ko kay Henry. Sa una ay ayaw akong payagan ni nanay na lumabas subalit sinabi ko naman na sasakay ako ng Grab Car upang walang tauhan ni Jonas ang makakasunod sa akin. Pinakita ko rin ang celphone ko na may gps kaya sinabi ko mata track naman kung nasaan ako. Kampante naman ako na wala ako sa panganib lalo pa’t nakakulong na si Jonas. Takot lang ng mga kaibigan niya na pati sila ay makulong din. Isa pa ay mataas pa ang sika ng araw at hindi naman maglalakas loob ang mga yun na gumawa ng masama. Kaya naman nang dumating na ang Grab Car ay agad akong sumakay. Nakarating ako sa department store kung saan may mga tinda rito na mga perfume na pang lalaki. Alam ko kasi sa huling pagsasama namin ni Henry ay napansin ko na paubos na ang pabango niya. Kaya naisip ko na ito na lang ang gawin kong peace offering. Ewan ko ba pero excited ako na makausap ulit siya. Nagsisi ako sa mga nasabi ko sa kanya kaya gusto kong bumawi. Sana lang ay makipag balikan siya sa akin. Mahal ko talaga siya at hindi ko nakikita ang sarili ko na magmamahal pa ng ibang lalaki kundi siya lamang. Pagkatapos ko bumili ng pabango ay kinuha ko ang phone ko upang magpa book na sa Grab Car subalit napakahina ng signal sa loob ng store. Naisipan kong mag abang na lang ng taxi kaya naman nagpasama muna ako sa guard sa labas ng store upang samahan muna ako habang nag aabang ng taxi. Buti at may dumating agad na taxi at nakasakay na ako pauwi ng bahay. Henry’s POV Dalawang araw ang nakalipas nang makipag hiwalay sa akin si Marianne. Pakiramdam ko ay namatayan ako ng isang kapamilya. Ganoon pala ang pakiramdam kapag ang taong mahal na mahal mo ay nakipag hiwalay sa iyo. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. Siya lang ang babaeng totoong minahal ko. Hindi ko kayang dumating ang araw na may ibang mamahalin si Marianne. Gusto ko ay kaming dalawa pa rin hanggang sa huli. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Sana pala ay nagpakatotoo na lang ako. Baka sakaling hindi ito mangyayari sa amin kahit pa na Pilipino ako kung talagang ipakikita ko ang totoong intesiyon ko sa kanya. Babalikan ko siya. Gagawin ko ang lahat para magkabalikan kami. Hindi ako susuko. Hindi ko siya isusuko. Palipasin ko muna siguro ang limang araw at pagkatapos ay kakausapin ko si Aling Miriam upang magpaliwanag din at baka sakaling matulungan niya akong makipagbalikan sa anak niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ni Aling Miriam, pero handa akong sapuhin ang galit niya. Mauunawaan ko siya dahil nasaktan ko ang damdamin ng anak niya. Ganoon din si Mark, wala pa ako nakakausap sa kanila pero lahat sila ay kakausapin ko para magkabalikan kami ni Marianne. Habang nakahiga ako sa kama ay kumulo ang tiyan ko. Wala rin kasi ako ganang kumain mula nang maghiwalay kami ni Marianne, kahit nga ang itsura ko ay hindi ko nakilala dahil hindi rin ako naligo mula nang maghiwalay kami. Nakahilata lang ako sa kama at bahala na. Pero kailangan ko na siguro kumilos. Kailangan na maayos ang itsura at kalagayan ko pag humarap na ako sa pamilya ni Marianne. Kaya naman bumangon na ako at bumaba. Tumungo ako sa kusina at kumuha ng tuna at itlog upang igisa. Nang matapos ako kumain ay naligo ako. Ang sarap sa pakiramdam maligo, para bang tinanggal nito ang bigat ng damdamin ko. Nang matapos ako maligo at magbihis ay tumungo muna ako sa sala bubuksan ko sana ang TV para manood lang saglit nang biglang tumunog ang door bell. Bumilis ang t***k ng puso ko. “Si Marianne na kaya ito? Makikipagbalikan kaya siya sa akin?”, bigla akong nataranta at dali daling binuksan ang pinto. Tumungo ako sa gate at nang buksan ko ang gata, bumungad sa akin si Aling Miriam. “Ah eh A-Aling Mi-Miriam kayo po pala, magandang gabi po.” pagbati ko. Hindi na ako nagsalita ng English dahil sa tingin ko naman ay alam na rin ni Aling Miriam ang katotohanan. “Anak, pasensiya na pero kailangan ko ang tulong mo. DIba nata track mo ang phone ni Marianne? Kanina pa kasi siya hindi umuuwi. Sabi niya sasaglit lang siya sa labas. Nag-aalala ako baka kung anong mangyari sa kanya” sabi ni Aling Miriam. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi ni Aling Miriam, bubuksan ko na ang gps app sa celphone ko nang may tumatawag. Hindi naka rehistro ang numero kaya wala akong planong sagutin ito pero aksidenteng naiclik ng daliri ko kaya nasagot ko tuloy ang tawag. “Hello pasensiya na maya ko na lang ulit sagutin ang tawag mo, may gagawin lang ako at emergency ito” ani ko. “Si Marianne ba ang tatawagan mo? Huwag ka mag alala brod, nandito siya sa piling ko, safe na safe hehe..” doon ko na proseso ang boses ng kausap ko. Kinilabutan ako dahil hindi ako nagkakamali. Si Jonas ang kausap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD