Henry’s POV
Pagkatapos ng proposal ko kay Marianne ay naging abala kaming dalawa. Si Marianne sa kanyang trabaho at ako naman ay abala kung paano ko aayusin ang gulong pinasok ko. Kailangan kong umisip ng paraan kung paano ipapaliwanag ang buong katotohanan kay Marianne bago kami ikasal. Nag sinungaling man ako sa kanya tungkol sa pagkatao ko, pero totoong totoo naman ang nararamdaman ko sa kanya. Katatapos ko lang mag meryenda. Galing ako sa bangko upang ayusin ang mga loans ko. Sa pagod ay napahiga muna ako sa kama para magpahinga at isipin ang mga pangyayari sa buhay ko. Henry Prince Sandoval Baker ang buo kong pangalan, pinanganak at lumaki ako sa Baguio City. Tunog banyaga ang apelyido ko dahil ang lolo ko sa talampakan sa side ng tatay ko ay isang Amerikano. Isa siyang sundalo noong panahon ng World War II at nang mapadpad sa Pilipinas ay nagandahan siya sa bansa kaya naman nanatili na siya rito at nanirahan sa Baguio City kung saan nakilala niya ang lola ko. Ito rin ang naging dahilan kung bakit sanay ako mag salita ng English, dahil naipasa na sa salinlahi ang pagsasalita ng English bilang pangunahing wika namin sa Baguio. Buti na lang at ang Tatay ko ay tinuruan ako ng English at Tagalog nang sabay kaya naging flexible ako sa pagsasalita. Kaya kahit noong nag-aaral pa ako sa Baguio ay palaging Best in English at Reading ang palaging award na nakukuha ko. Kahit nagtapos ako ng Civil Engineering ay hirap ako makakuha ng trabaho sa Maynila kaya naman sa huli ay namasukan muna akong Call Center Agent. Kahit na hindi akma sa kurso ko ay pwede na, ang importante may trabaho ako. Hindi kami mahirap pero hindi rin naman kami mayaman. Sakto lang ang pamumuhay namin, subalit minsang nagloko ang tatay ko. Tumatanda yatang paurong at nalulong sa sabong kaya naman nabaon sa utang ang mga magulang ko at dahil sa stress ay na stroke ang nanay ko. Kung hindi pa siguro nastroke ang nanay ko ay hindi magbabagong buhay ang tatay ko. At dahil nakita namin ng nag-iisa kong kuya na si Harold na nagbago na si tatay, ay pinagtulungan naming mabayaran ang mga utang ni tatay pati ang gastusin sa pagpapagamot ni nanay. Doon nagsimula na dumami rin ang mga utang ko, bukod pa sa inutang ko na pampaayos ng bahay ng mga magulang ko. Napadilat ang mata ko ng maalala kong susunduin ko pala si Marianne. Oo nga pala, nagsabi pala siya na gagabihin siya ng uwi. Kaya muli akong humiga sa kama at nag-isip muli. Kasabay ng mga problema sa magulang ko ay nakisabay din ang ex ko na si Amanda. Nakilala ko siya sa trabaho at isa siya sa mga foreign agent ng kumpanya. Sa loob ng tatlong buwan ay naging okay naman ang pagsasama namin, pero pagkalipas nun ay unti unti kong narerealize na nasasakal ako sa kanya. Masyado siyang possessive ultimo pag uwi ko sa Baguio para madalaw ang mga magulang ko ay ayaw niya. At doon unti unti nawala ang nararamdaman ko sa kanya, libog lang pala ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi rin naging maayos ang simula ng relasyon namin. Nagsimula lang sa lasingan at nauwi sa kantutan, ayun dahil nasarapan ako dahil sa galing niya sa kama ay nakipag relasyon na ako kahit di rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Kahit na medyo nanlalamig ako sa relasyon namin pagkatapos niyang di ako payagan makauwi sa min ay tinuloy ko pa rin ang pakikipag relasyon sa kanya para lang maging parausan siya at nang mawala ang mga stress ko sa trabaho at sa problema ng mga magulang ko pero lalo lang lumala dahil nasasakal na ko sa kanya. Kaya sa huli ay nakipag hiwalay na ko sa kanya. Nag file ako ng vacation leave dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang mental health ko sa mga nangyayari sa akin. Kaya naman napadpad ako sa nabiling townhouse ng tita ko. Malayo sa Maynila kaya naman nakakarelax, isama pa ang tahimik na komyunidad maliban lang sa iilang marites na kapitbahay. Ito ang isa sa pinaka tamang naging desisyon ko sa buhay dahil dito ko nakilala ang babaeng bumago sa buhay ko, si Marianne. Unang kita ko pa lang sa kanya ay tinamaan na ko ni kupido, hindi ko ito naramdaman kay Amanda kaya alam ko na espesyal ang naramdaman ko sa kanya ng mga oras na yun. Nang matapos ang unang usapan namin ni Marianne ay ipinalangin ko sa Panginoon na sana ay single siya, na sana ay wala siyang kasintahan, dahil pursigido akong ligawan siya. Natawa na lang ako sa sarili ko noong matapos ang usapan namin dahil panay ang English niya sa akin pero hinayaan ko na lang at sinakyan ang trip niya, siguro ay napagkamalan niya akong foreigner dahil aminado naman ako na mukha akong foreigner, sa puti ng balat at mala kulay gray na mga mata ko, isama pa ang katangkaran kong height. Lalo kong napatunayan na foreigner nga ang tingin niya sa akin nang makausap ko ang nanay niyang si Aling Miriam at natawa na lang ako deep inside dahil akala rin ni Aling Miriam na foreigner ako. Nalaman ko mismo kay Aling Miriam na gusto pala ng foreigner o tinatawag na afam ni Marianne, at doon na nga nagsimula ang plano ko, ang magpanggap na afam. Natakot kasi ako na dahil Pilipino nga ako ay baka hindi niya ako sagutin dahil mga Pilipino ang dumurog sa puso niya. Tutal ay kayang kaya ko naman magpanggap na afam ay ginawa ko yun para mapalapit kay Marianne, saka ko na lang siguro poproblemahin ang pag amin pag may improvement sa plano ko. Hanggang sa hindi ko na nga inaasahan na hahantong na kami sa engagement, mahal na mahal ko siya kaya hindi ko sasayangin ang panahon, lalo na at nariyan pa ang banta sa buhay niya dahil kay Jonas, kahit naka kulong ang lalaking yun ay hindi pa rin ako makakampante dahil may mga kasamahan pa siya na hindi pa nahuhuli ng mga pulis. Ang bilis ng mga pangyayari kaya naman nagpapasalamat ako sa Panginoon at buti ay hindi naman gaanong nabibigla si Marianne sa bilis ng pagkilos ko sa relasyon namin. Habang nag-iisip ako ay tumunog ang phone ko, nang silipin ko ito ay si Kuya Harold ang tumatawag. Sinagot ko ito, “Hello kuya, napatawag ka?” sabi ko. “Uy bro.congrats ah! Pasensiya na maikli lang ang usapan natin last week, iyak kasi ng iyak bunso ko dahil sa lagnat. Nga pala, kailan mo ba plano magtapat kay Marianne? I mean nasabi mo na ba sa kanya ang totoo? Paano kung magalit siya sayo pag nalaman niya na Pinoy ka at hindi foreigner?”tanong ni kuya. Hindi naman ako nakasagot agad sa tanong niya. “Heto payo ko sayo bro.ano’t ano pa man ang mangyari ay kung talagang mahal mo siya ay gagawa ka ng paraan para magka ayos kayo.” ani kuya. “Yes, bro. I’ll do my best. Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Marianne. Kahit pa malaman niya na hindi naman ako afam at isa akong pure blood Filipino, gagawin ko ang lahat para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.” sabi ko. “Oh sige bro.tawag na lang ulit ako dahil nandito na ang bossing ng tahanan at mukhang masungit na naman hehe” wika ni Kuya Harold. “Sige bro ingat may gagawin pa ako” pagtatapos ko sa usapan namin. Nang maibaba ko na ang tawag ay para bang may naramdaman akong may taong nanonood sa likod ko nakarinig ako na para bang may umiiyak at nang lumingon ako ay nagulat ako dahil si Marianne pala ang nasa likod ko! “Hey…hey…ba…baby..are…are you..you alright?” nauutal na sabi ko dahil kinabahan ako dahil hindi ko ineexpect na nandito siya gayung ang sabi niya ay gagabihin siya ng uwi. Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung narinig niya ba ang usapan namin ni kuya. “Baby…baby..” pagsabi ko ng isang malakas na sampal ang binigay sa kin ni Marianne. “Bakit nag eenglish ka pa eh nakaka pag tagalog ka naman! Itigil mo na ang pagpapanggap mo! Narinig ko ang lahat, hindi ka afam, Pilipino ka lang din! Ang kapal ng mukha mong lokohin ako!” sigaw niya sa akin. “Let me explain, baby” sabi ko. “Huwag ka ng magpaliwanag dahil mas malinaw pa sa sikat ng araw na nagsisinungaling ka! Ang galing mo umakting, grabe paniwalang paniwala mo kami na afam ka. Pwede ka na mag artista kasi napaniwala mo ako. Ako naman si tanga ang galing magpa uto. Ano pati si Jessica kasabwat mo din? Ang galing galing mo. Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin ha? Ah siguro kunwari lang din ba na mayaman ka? Dahil nakita ko sa mga gamit mo yung mga dokumento mo na galing sa bangko na ang dami mong loan! Grabe hari ka ng kasinungalingan eh di lahat pala ng kuwento mo puro kasinungalingan pati pagmamahal mo sa akin ay kunwari lang kaya…
“Sandali muna! Pakinggan mo muna kasi ako!” pagputol ko sa kanya. “Ang hirap sayo dire diretso ka magsalita pakinggan mo muna ako! Please…please Marianne…oo aaminin ko na nagpanggap akong afam, yun ay dahil nalaman ko sa nanay mo na gusto mo ng afam, pero yung pagmamahal sayo, utang na loob, totoong totoo yun…kasi..kasi…” hindi ko namalayan na tumutulo na rin ang luha ko habang napapasabunot ako sa buhok ko. “Kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Mahal na mahal kita Marianne…kahit..kahit…may nadiskubre akong lihim mo, hinayaan ko na lang yun, kahit masakit sa akin ay tinanggap ko, na baka sakaling mahalin mor in ako pabalik pag nakita mo na mayaman ako..” sabi ko. “Anong lihim? May lihim ako? Ha? At ako pa talaga ang may lihim? Hindi kita maintindihan!” ani Marianne. “Oo may lihim ka, gusto mo lang naman ako dahil sa bukod sa afam ako ay mayaman ako di ba? Na pera lang ang habol mo kaya papatol ka sa afam, tama? Sabi mismo sa kin ni Joy yan noong chinat niya ako, kaya nga nahuli mo akong naiiyak noong nakaraang umakyat ka sa kwarto pero nag dahilan na lang ako na kunwari narinig ko ang usapan niyo ni Joy. Si Joy mismo ang nagsabi at pinakita niya sa akin ang chat niyong dalawa at kita mismo ng mga mata ko nabasa ko mismo na gusto mo ng afam para matupad ang mga pangarap mo, kaya kahit na magmukha akong tanga kaka panggap na afam ay nilunok ko yun dahil desperado ako na baka mahalin mor in ako balang araw!” sabi ko sa nobya ko. Isang malakas na sampal ulit ang natanggap ko sa kanya. “Akala ko pa naman na okay tayo, na nagtitiwala tayo sa isa’t isa” ani Marianne habang tuloy ang pagbagsak ng mga luha niya. “Mas naniwala ka pa kay Joy kaysa sa akin na nobya mo…sa tingin ko…sa tingin ko…wala ng kahahantungan ang relasyong ito, pareho lang pala natin niloko ang mga sarili natin, kaya..kaya..tapusin na lang natin ito..” paliwanag niya. Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap ko siya, “Please…Please Marianne, huwag mong gawin ito. I’m sorry, I’m sorry kung nasabi ko sayo yun, sige na, ako na ang mali. Oo may kasalanan ako sayo. Please just give me a chance to prove my worth. Mahal na mahal kita Marianne please...” pagsusumamo ko sa kanya. Ngunit hindi na siya nagsalita at tuluyan nang umalis ng bahay ko.