Third Person POV
Hindi makapaniwala si Marianne sa nabasa niya. Natulala na lang siya dahil hindi niya alam kung seryoso ba si afam o prank lang ito. “Pr…prank ba to?” tanong ni Marianne. Subalit nang makita niyang nangingiyak ang kanyang ina ay doon niya na proseso na hindi ito prank bagkus ay totoong nagpo propose nga ang nobyo niya. Lumuhod si Henry at may inilabas na maliit na jewelry box. Pagbukas nito ay bumungad ang isang simpleng gintong singsing. “Say yes ate! Huwag mo na pakawalan si kuya Henry,” wika ni Mark. Tiningnan muna ni Marianne ang paligid at nakita niyang nakangiti lahat ng mga kasama niya. Ilang beses na siya naka saksi ng mga marriage proposal sa kanilang opisina subalit iba pala talaga ang pakiramdam kapag siya na ang nakararanas nito. Tumulo ang luha ni Marianne, simbolo ng matinding emosyon na nararamdaman sa mga pangyayari. Maya maya ay sinabi niyang “Yes, I want to marry you.” Agad sinuot ni Henry ang singsing sa daliri ni Marianne at niyakap nang mahigpit ang nobya. Naghiyawan at palakpakan naman ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay nagkaroon ng picturan ang magpapamilya. Saktong luto na rin ang pagkain kaya sama-sama silang nananghalian. Hindi naman maipaghiwalay ang dalawa at tila lalanggamin sa sobrang sweet sa isa’t isa. “Luh si ate kinikilig pa rin baka hanggang pagtulog mo naka ngiwi ka pa rin hehe”, pang-aasar ni Mark. “Hayaan mo sila anak ganyan talaga pag mahal na mahal mo ang isang tao, hayaan mo balang araw, mararanasan mo din yan”, panenermon ni Aling Miriam kay Mark. “Buti nga sayo beh”, pang aasar din ni Marianne sa kapatid. Pagkatapos mananghalian ay nagsibabad na ang iba sa swimming pool habang ang iba naman ay nag vivideoke. Sa isang sulok ng swimming pool ay magkayakap ang mag jowa habang nag-uusap. “Daddy…when shall I meet your parents?” tanong ni Marianne kay afam. “Ah…I…I think after I come back here again. Don’t worry after 1 year I’ll make sure you’ll meet them in our wedding day.” sabi ni afam. Tila di pa rin makapaniwala si Marianne sa mga kaganapan sa buhay niya. Hindi niya lubos maisip na sa ilang buwan ay maraming pagbabago sa buhay niya. Ito na siguro ang kapalit ng mga nakaraang heart break niya. Nagpapasalamat siya sa Panginoon at dumating sa buhay niya si Henry. Sa lahat ng lalaking nakilala niya, mapa nobyo man o kaibigan, si Henry ang masasabi niyang almost perfect. Kaya naman ganoon na lang din kung masabihan siya ng ilang tao sa paligid gaya ng mga kapitbahay, kamag-anak kaibigan at katrabaho na mapalad siya sa nobyo.
Pagkalipas na isang linggo…
Pagkatapos magpropose ni afam sa kanya ay naging abala ang mag nobyo sa kani kaniyang trabaho. Malapit na kasi ang anniversary ng company na pinag tratrabahuan ni Marianne kaya abala silang mga empleyado para dito. Ganoon din si Henry na nagpaalam kay Marianne na magiging abala siya sa mga dokumento na kailangan niyang ayusin para makabalik siya ulit sa bansa at mga kakailanganin ng mga magulang niya para mapapunta sa Pilipinas. Habang nasa opisina si Marianne at kumakain ng lunch sa kanyang balcony sa kanilang departamento ay bigla niyang naalala si Joy. Mag-isa kasi siyang kumakain ng pananghalian dahil lahat ng kasama niya ay nasa canteen. Dati rati kasi ay sabay silang kumakain ni Joy. Maya-maya ay may kumatok sa pinto at tuluyang pumasok sa loob ang kanilang HR staff na si Ma’am Diane. “Hello Miss Diane, tara kain tayo,” pagyaya ng babae dito. “Ah okay lang kakakain ko lang kanina medyo busog pa ako. Napadaan lang ako para balitaan kita,” ani Diane. “Tungkol po ba saan?” tanong ni Marianne. “Nagpasa na kasi ng resignation letter through email si Joy. Naiforward ko na ito kahapon sa mga bossing natin sa taas at dahil ang tagal na rin na naka leave si Joy eh tinanggap na nila ang resignation nito. Kaya effective today ay wala na sa company si Joy. Bukas ay may kapalit na rin siya na itetrain namin dahil marami naman nagpapasa ng resume sa office namin kaya hindi mahirap palitan ang mga taong nagreresign.” paliwanag ni Diane. Nagulat naman si Marianne sa pangyayari. Hindi niya lubos maisip na hahantong sa resignation ang pag-iwas ni Joy sa kanya. Kung tutuusin ay nasa magkaibang departamento sila ng kaibigan kaya magagawa naman nito ang iwasan siya kung sakali. Ngunit sagad hanggang buto yata ang galit sa kanya ng dating kaibigan kaya nagawa nitong mag resign sa trabaho. Nanghihinayang din siya dahil maganda ang mga benefits ng kumpanya kaya maraming nag aaply. Para sa kanya, sinayang ni Joy ang magandang pagkakataon sa kompanya. Masipag pa naman siya sa trabaho kaya hindi malayong ma promote siya sa mas mataas na posisyon. Subalit, hindi na ito mangyayari dahil nag resign na siya. “Nanghihinayang nga ako kay Joy, kasi malaki ang possibility na mapromote siya next year since magreretire na ang General Manager natin, isa siya sa mga magiging candidate sana for promotion at base sa performance niya, malaki talaga ang chance niya mapromote. Sayang talaga si Joy. Pero siguro baka nakahanap siya ng mas magandang trabaho kaya siguro siya nag resign.” sabi ni Diane. “Eh ano nga ba balita sa kaibigan mo? Saang kumpanya na ba siya nagtratrabaho?” pagtatanong ni Diane kay Marianne. “Ah..eh..eh ano po Ma’am, hindi pa kasi kami nakakapag usap ulit dahil medyo busy pa kami pareho. Yaan niyo po pag nakausap ko siya balitaan ko po kayo. Nga pala Ma’am, ito po pala yung mga dokumento na pinagawa niyo po sa akin habang wala pa si Joy.” pag-iiba ng usapan ni Marianne. “Ay oo nga pala, pasensiya ka na kung sayo pinagawa yan kahit magkaibang department kayo, busy kasi mga tao dun sa finance, eh since kaibigan mo naman siya eh sayo muna pinagawa yan para kung may tanong ka eh pwede mo siya tanungin. Salamat ha. Sige hindi na ako magtatagal at babalik na ko sa taas” wika ni Diane at tuluyan na itong lumabas. Binaling na lang ulit ni Marianne ang kanyang atensiyon sa pagkain. Ngunit habang kumakain siya ay muli na naman siyang nalungkot. Nalulungkot kasi si Marianne sa sinapit ng pagkakaibigan nila ni Joy. Kahit na hindi naging maganda ang huling pag-uusap nila ay hiling niya na balang araw ay magkaka ayos sila. Iniisip niya na baka may matinding pagsubok na kinakaharap si Joy kaya nagawa niya ang bagay na yun. Hinala rin ni Marianne na baka talagang nainggit si Joy sa takbo ng love life niya ngayon kaya nagawa niyang siraan silang dalawa ni afam. Ngunit wala ng makatitibag pa sa kanila, subok na ang tibay ng relasyon nila at marami na rin silang pinagdaanan sa nakalipas na mga buwan. Kaya hiling rin niya na sana ay magkaroon na rin ng nobyo si Joy na magbibigay liwanag sa buhay niya. Pagkatapos ng lunch break ay nag chat si Marianne kay afam at pina alala rito na gagabihin siya ng uwi. Nagpaalam kasi siya kaninang umaga kay Henry na gagabihin siya ng uwi dahil magkakaroon sila ng over time sa opisina bilang paghahanda sa nalalapit na event kaya sinabihan niya ito na mauna na siyang maghapunan sa bahay dahil sa opisina na siya kakain mamayang gabi subalit, kinancel ng kanilang boss ang over time meeting at preparation nila dahil sumama ang pakiramdam nito. Hindi na nasabi ni Marianne na mapapa aga ang uwi niya dahil gusto niya sorpresahin si afam. Sumabay si Marianne sa kanyang katrabaho pauwi dahil hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ng mga pulis ang ilang kasamahan ni Jonas, kaya nag-iingat pa rin siya kapag nasa labas siya. Dumaan muna sila ng mga katrabaho niya sa isang bakeshop at bumili ng mga pasalubong. Naisip niya na cake na lang ang kakainin niya sa bahay kaya bumili rin siya ng isang maliit na black forest cake at empanada para sa nanay niya. Dahil on the way rin ang bahay ng kaopisina niya ay sakto lang para maibaba siya sa tapat ng subdivision nila, kaya kaunting lakad na lang ang ginawa ni Marianne para makauwi sa bahay ni afam ngunit dumaan muna siya sa kanilang bahay para maka bonding ang nanay niya. “Hello nay” bati ni Marianne kay Aling Miriam habang nagmamano ito sabay abot ng pasalubong na empanada. “Oh napadaan ka anak, kamusta ka naman? Tara pagsaluhan natin tong pasalubong mo,” wika ni Aling Miriam sa anak habang hinahanda ang empanada sa mesa. “Ayos lang po nay, napadaan lang ako rito para abutan kayo ng pasalubong” ani Marianne. “Kamusta naman si Henry? Ano na ba balita sa preparasyon niyo sa kasal?” tanong ng ina. “Hay naku nay, matagal pa naman yun. Madali lang naman mag asikaso nun kasi hindi naman kami naghahangad ng bonggang kasal. Simpleng kasal lang ang gusto namin at baka after one year pa yun mangyari pag nakabalik ulit si Henry dito kasama ang mga magulang niya,” paliwanag ni Marianne. “Ah ganun ba anak, eh di mainam at makikilala na natin ang mga magulang ni Henry at tama lang naman na kasama din sila sa kasal niyo,” wika ni Aling Miriam. Pagkatapos ng usapan nila ay nagpaalam na si Marianne sa ina upang umuwi na sa bahay ni afam. Hindi na pinindot ni Marianne ang doorbell bagkus ay ginamit niya ang duplicate key upang buksan ang pinto. Gusto niya kasi sorpresahin ang jowa niya dahil gusto na naman niya magpabayo sa lalaki mamayang gabi. Buti na lang at wala sa sala at kusina si afam na nangangahulugan na nasa kwarto ito sa taas. Ipinasok ni Marianne sa ref ang dala niyang cake at hinubad ang kanyang blazer at stocking. Dahan dahan siyang umakyat ng hagdan papuntang kwarto para di siya marinig. Unti unti niyang binuksan ang pinto ngunit kaunting uwang lang sa pinto ang ginawa niya dahil napansin niyang nakatalikod si afam at may kausap sa telepono. Hindi naman siya tsismosa pero hindi muna siya pumasok ng kwarto dahil ayaw niya maistorbo ang jowa niya sa kausap nito sa phone. “Yes, bro. I’ll do my best. Gagawin ko ang lahat para mahalin ako ni Marianne. Kahit pa malaman niya na hindi naman ako afam at isa akong pure blood Filipino, gagawin ko ang lahat para sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.” wika ni Henry sa kausap. Nanlaki ang mga mata at napa awang ang labi ni Marianne sa narinig. “Nagtatagalog si afam? Kasi…pi…pinoy si…siya?” nauutal na di makapaniwalang naibulong ni Marianne sa sarili.
Pilipino pala si afam….