“Sabrina, nakikinig ka pa ba? Are you still interested in my offer?”
Hindi ako makapag-focus sa sinasabi ni Recca dahil sa lalaking nakita ko hindi kalayuan sa amin. Same face na naman. Sigurado akong siya ‘yong lalaking nakita kong tumatanaw sa akin noon sa bahay.
“There’s a man behind the tree,” sabi ko sa kaniya.
“Seriously?”
“I saw him standing and hiding there. I’m not lying.”
“There’s no man behind the tree, Sabrina,” pagtanggi niya sa akin pagkatapos tingnan kung saan ako nakatingin kanina.
Meron. Sigurado akong may lalaking nakatayo sa tabi ng malaking puno. “He’s scary. Nakikita ko siya maski sa labas ng bahay namin.”
“I suggest you visit Dr. Recco for a session, Sabrina. He’s a very good psychiatrist, I’m sure he can help you with your problem.”
“Kate, I’m not crazy. Hindi ko kailangan ang doctor dahil hindi ako nagha-hallucinate. He’s real! That man is not part of my imaginations.”
“Okay. I’m just suggesting, bakit galit?”
Hindi ko na tinuon ang pansin doon sa nakakainsulto niyang suhest’yon. Binalikan ko ‘yong usapan namin kanina tungkol sa inaalok niya sa akin.
“Yung sa offer, I want to accept it.”
“Really?” Nagliwanag ang mukha niya dahil sa kaniyang narinig. Sinong hindi? Tinatanggap ko ang inaalok niya sa aking project. I know kailangan niya ako rito, I will be a big part of it as well as she is.
“Yes. Ready the documents and I’ll sign it as soon as possible.”
“Wow. I never thought you will get it now. Thank you, hindi mo ‘to pagsisisihan. I have the copy of the contract here, you can sign it right here right now.” Natawa ako dahil doon. Mayroon siyang inilabas na papel sa Handbag niya. I checked it and it’s the contract. Tama nga siya dala niya ang kontrata.
“You want me for this project, aren’t you?”
“Of course! I wouldn’t be here asking you if I didn’t. You know, I need big money for this, Sabrina, you can help me with this. Don’t worry, hindi ko hahayaang malugi tayo.”
“Ganoon? So pera ko lang pala ang habol mo sa akin?”
“Ano ka ba? We’ve been best friends since high school. Alam natin ang sikreto ng bawat isa. Hindi lang pera ang habol ko sa ‘yo, alam mo ‘yan,”
“Kung pera ko lang talaga ang habol mo, just tell me, I will give you enough money just to get away you from my life.”
“Grabe siya, actually, I asked Tita Sierra first about this but she declined, you know how rich you are and your family. Kayo lang talaga ang need ko sa project ko na ito kaya salamat dahil pumayag ka at hindi mo ako iniwan. Best friend talaga kita you’re so kind. Can I hug you?”
“Sure. I will give this back to you after I read it and have my signature on it okay?”
“Okay,” she immediately stands up and hugs me. “Salamat talaga, Sabrina, promise hindi mo ito pagsisisihan, dodoble ang pera natin, hindi lang doble, kun’di triple!”
Umalis din agad si Recca dahil may ibang client pa siyang kailangang puntahan. Napaka-business-minded niya talaga. Isa iyon sa hinangaan ko sa kaniya kaya naman mabilis niya akong napapayag dito sa proyektong ito. Kung alam kong walang patutunguhan ito, hindi ako papayag, pero dahil matagal ko na siyang kilala at siya ay best friend ko, I trust her, hindi niya sasayangin ang pera namin para sa business na ito kaya hindi ako nagdalawang isip tanggapin ang offer niya sa akin.
Bago ako tuluyang umalis dito sa puwesto ko ay binalikan ko ng tingin ang lugar kung saan nakita ko ‘yong lalaki na ilang araw na sa aking nagmamasid. Nandoon na naman siya and this time nagbuga siya ng usok, nakita ko ang sigarilyo sa kaniyang kamay.
Nakaitim na leather jacket siya sa tirik at sinag ng araw, may suot na itim na sunglass at may tattoo ang leeg. Nakakatakot siya. Hindi ito dapat isinasawalang bahala pero hindi ko alam kung ano pa ang dapat gawin bukod sa ilang bodyguard na ang nakabantay sa akin ilang metro lang ang layo sa akin ngayon.
“Ano ‘yan?” tanong ko sa tatlong bodyguard. Sabay sabay silang napaharap sa akin, ‘yong isa ay pinakita sa akin kung ano ‘yung bagay na pinag-uusapan nila.
“Itong box Ma’am may nag-iwan sa labas ng sasakyan. Para sa ‘yo raw,”
“Bubuksan ba namin Ma’am Sabrina?” tanong ng isa pang bodyguard.
“Kailangan nating buksan. Iyon ang utos ni Ma’am Sierra, I’m sorry, Ma’am Sabrina, I’m just doing my job please don’t be offended and feel disrespected.”
“No worries. Sure you can open the box.”
“Copy Ma’am.”
Akmang bubuksan na nila ‘yong box pero pinigilan ko sila. “Not now maybe pag-uwi na. Sa ngayon I want to rest, let’s go home please,”
“Copy Ma’am.” Binuksan niya ang pinto ng sasakyan para makapasok ako. Silang tatlo nasa harap ng sasakyan, hindi ko alam kung paano nila pinagkasiya ang sarili nila doon. Si Mom kasi gusto tatlo ang magbantay sa akin, actually sampo ‘yan, pinabawasan ko lang sa kaniya kasi ang dami masyadong nakaaligid sa akin kung papayagan ko siya sa gusto niya.
Hindi ko naman siya masisisi dahil gusto niya lang ako protektahan kaya ganoon na lamang siya umaksyon kapag tungkol na sa akin. Iba talaga kapag ikaw ang prinsesa sa bahay, ang hirap din maging isang anak lalo pa’t sobrang protective ng family mo sa ‘yo, but in my case, I know I’m lucky to have them as my family. Alam kong mahal nila ako at hindi nila pababayaan.
“It’s a teddy bear!”
Tiningnan ko ‘yong hitsura ng teddy bear na nasa box. Mukhang familiar sa akin iyon. Para bang may kinalaman sa akin ang teddy bear kaya naman.
Lumapit si Yanna sa bodyguard na humahawak sa teddy bear. May napansin ata siyang kakaiba roon.
“What’s wrong, Yanna?” Yanna is my cousin. She’s kind and quiet pretty. Napapadalas ang pagpunta niya dito sa bahay kaya naman nagiging close ko na siya kahit papaano.
“May sulat,” bulalas niya at may hinugot sa tiyan ng teddy bear. Maliit lang ang papel at kulay itim iyon.
Lahat kami ay nagtaka kung para saan ang sulat. Kung para sa akin iyan sigurado akong galing iyan doon sa lalaking matagal nang nagmamasid sa akin.
“I’m sure this message is for you, Sabrina,” she says and handed me the paper containing the message.
As I read the letter in my mind, my headaches.
“There’s no word I can describe how angry I was, no words,”