Sa sobrang himbing ng tulog ko, nanaginip na naman ako ng sobrang kakaiba. Kahit siguro gisingin ako ay hindi agad ako magigising agad. Ang sarap lang humiga sa panahong ito at matulog. (SABRINA'S DREAM WORLD) "Ayos ka lang ba?" tanong ng binata sa dalaga. Mahigit isang oras na silang nasa biyahe papuntang Manila kung saan naninirahan ang binatilyo. "Oo, medyo nahihilo lang ng kaunti. Hindi ako sanay bumiyahe ng ganito katagal at isa pa, ngayon lang ako nakasakay ng Bus." Medyo nahihiya pang pag amin ng dalaga sa kaniyang nobyo. Mabilis na dumukot sa bulsa ang binata para kumuha ng Candy at binigay sa kasintahan. "Ito, mag candy ka para mawala kahit paano ang hilo mo. Pasensya ka na, wala akong magarang kotse para masakyan natin pauwi sa amin. Hindi ako kasing yaman mo na may mamahalin

