Napalunok si Lian sa binigay na tingin ng ginang at ng dalagang babae sa kaniya. Pagkatapos kasing mag pakilala ng dalaga sa pamilya ng kasintahan ay nag-iba ang tingin ng mga ito sa kaniya. "Shana, Ma, tinatakot niyo ang girlfriend ko." pagputol ni Shaun sa plano ng mag-ina. Humagalpak ng tawa ang mag-ina. "Sabi ko na nga ba matatakot 'yan e!" "Muntikan pa atang maihi sa pantalon ang girlfriend ni kuya, Mama!" "Nakita mo ba ang mukha niya? Takot na takot!" nag-usap ang mag-ina animo'y wala sa harap nila ang kanilang pinag uusapan. Napakamot na lamang sa ulo si Lian. "Ma, Shana." Tumahimik ang mag nanay dahil sa pagsuway ni Shaun. "Dito na titira ang girlfriend ko. Sana maging mabuti kayo sa kaniya. Gusto kong tratuhin niyo siya bilang isang kapamilya." "Sure, kuya. No problem.

