43

1059 Words

Ilang linggo na ang nakalipas. Mas lalong napapalapit ang loob ni Lian sa pamilya ni Shaun ganon din ang pamilya ni Shaun kay Lian. Masaya ang mga nagdaang araw, hiling ng dalaga ay sana huwag nang matapos pa ang kasiyahang ito kahit na binabalot siya ng matinding kalungkutan dahil sa pagsusumamo niya sa kaniyang pamilya sa Ballier, sa Hacienda ng Buenavista. Ito na ang unang araw ni Shaun sa kaniyang trabaho. Kahit na polo shirt at makislap na pantalon lamang ang suot niya ay litaw pa rin ang kaniyang likas na kakisigan. Nilagay na ni Lian sa bag ang baon ng kaniyang kasintahan na niluto niya pa. Inabot niya ang bag kay Shaun. "Mag iingat ka, mahal." "Salamat. Kayo din, mahal. Nga pala, Ma, Shana, alagaan niyo ang girlfriend ko ha?" "Kahit hindi mo sabihin kuya, automatic na 'yon."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD