Mabilis kong tinago sa bag ang lahat ng paper exam ko. Baka makita pa ito ni Lhai at pagtawanan pa ako. Though alam niya naman ito lahat kasi magkaklase kami. Minsan may pagka b***h din ang isang iyon lalo na sa akin. Lumalabas ang pagka b***h niya kapag ako ang kasama niya. I am really not a good person, hindi dapat ginagaya ng kabataan ang mga katangian ko mabuti na lang wala akong bunsong kapatid kasi kapag nagkataon na nagkaroon ako, baka mas mahaba ang sungay niyon sa akin. For the fifth time, nakatulog na naman ako sa klase namin ni Nicholai. Siguradong buryong buryo na sa akin si Lhai dahil minsan hindi niya ako napapakopya sa exam kasi sobrang higpit ng mga teacher namin. That's why kadalasan, nagiging kulelat ang score ko. Hindi ko na lang pinakikita sa kaniya para naman wala si

