"How about a date after class?" Iyon na lang ang nasabi ko at patanong pa iyon dahil kahit ako ay hindi ko maisip kung anong reward ang maibibigay ko kay Top. Date na lang ang naisip kong ialok para rito. Malaking bagay din kasing naibalik niya sa akin itong books ko. Though I can buy again pero naka save pa rin ako ng time. Hindi ko na kinailangan pang pumunta ng bookstore upang bumili again ng mga ganitong books. Hindi agad ito nakasagot. Mukhang gulat pa nga sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahang magkakaroon siya ng date sa isang Sabrina Sperlite. "Wow. A date with Sabrina Sperlite? You're so lucky, Top!" talagang inuto pa ni Lhai si Top. As if magpapauto sa kaniya ito. "Let's meet na lang sa Parking. Nandoon yung car ko, ako na ang mag ra-ride for us." Alok ko pa kay Top.

