Tapos na ang klase namin ni Nicholai. Sinundo na siya ng boyfriend niya at ako naman ay dumiretso na sa Parking lot. "Kanina ka pa? Mukhang inip ka na sa paghintay sa akin." Nakita ko si Top na naghihintay sa tabi ng sasakyan ko. Sa pagkakaalala ko ay hindi ko naman sinabi sa kaniya kung anong kulay at anong hitsura at kung saang banda rito sa Parking lot ang sasakyan ko kaya paano niya nalaman na ito ang Baby Mollie ko? Nakakapagtaka lang pero agad ko ring inalis iyon sa hitsura ko para hindi siya mas lalong ma conscious sa akin. Halata namang na-conscious siya at hindi mapagalay kapag nasa harap niya ako. Doon ko nakumpirma na tama ang sinabi sa akin ni Nicholai na matagal nang may pag tingin itong si Top sa akin, hindi niya lang pinapaalam at wala sana itong balak na mag confess s

