"So what's the status now, Sab?" tanong sa akin ni Lhai. Halos kantahin pa niya ang pangalan ko sa sobrang tamis ng pagkakatawag niya doon. "Anong status ang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kaniya. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya kahit pa nakakunot na ang noo ko. "Ang aga aga nakakunot iyang noo mo. Konti na lang magkakasalubong na yang mga kilay mo. Pasalamat ka maganda ka." She laughs. "But anyway, what's the status na ba? Come on, make kwento ka na to me. I will listen, wholeheartedly." "Ano bang tinutukoy mo? Hindi kita maintindihan. Puwede bang maging straight to the point tayo rito para hindi ako manghula?" "Ano ba ito? Ang aga aga nagsusuplada at nagsusungit ka sa akin. Deserve ko ba iyan? Parang hindi naman. Ang ganda ng bati ko sa iyo ng good morning. Hindi man lang nga ak

