"Seriously?" Napamulat sa mata itong si Stephen dahil sa ginawa kong pagpitik sa tenga niya. "I'm trying to relax yet you are disturbing me." Sobrang pagpipigil ang ginagawa niya. Halata sa mata niya ang pagod sa biyahe pero heto ako at kinukulit siyang maigi. Nakakaawa ka naman, Stephen, pero sorry ka dahil kailangan ko itong gawin para mas lalo mo akong kamuhian at hindi mo ako gustuhin. Isa lang ang gusto kong lalaki na makuha sa ngayon at iyon ay si Rigor lamang at hindi ikaw Mr. Stephen Galero. So sorry dahil habang pilit na nirereto ka sa akin ng family ko, ganitong ugali ko ang makukuha mo and I will never be good to you. That's a promise. Unless makipagsundo ka sa akin na gagawin ang lahat hindi lamang matuloy ang binabalak nilang arranged marriage for us. Yikes! Arranged marri

