Ano kayang ginagawa ni Rigor dito sa paborito kong fancy restaurant? Hindi naman ako na inform na alam niya rito. Sumama ng tingin ko roon sa kasama niya. Sino naman kaya ang babaeng kasama niya? Mukhang may dapat akong malaman tungkol kay Rigor. Hindi ko alam na mayroon siyang kinikitang ibang babae bukod sa girlfriend nitong si Kourtney At talagang dito pa dinala nitong si Rigor ang babae niya. Sa fancy restaurant at sa paborito ko pa talaga. Hmp! Hindi ako mapakali sa puwesto ko. Sa tingin ko nga ay nahahalata na ako ni Stephen at ng driver pero ayaw lang nila ako pansinin. Nong feeling ko tumitingin tingin na siya sa akin ay kinuha ko na yung Menu at hinarang ko sa mukha ko. "Anong nangyayari sa iyo? May tinataguan ka ba?" Nakakunot noong tanong sa akin ni Stephen. "Bakit para

