"Siya 'yung nasa picture na pinakita sa atin noon ni Kycel. Yung nasa ibang bansa pero nandito na ngayon sa pilipinas." dugtong pa ni Claire. Matalas talaga ang memorya ni Claire. Hindi na nakakapagtaka kung natatandaan niya pa ang mga sinabi ko noon. "Totoo ba 'yun?" tanong ni Bridgitte. "Bakit ang sabi mo Adam ang name niya? Sedier ang totoo niyang pangalan!" ani Sophia. Naiinis na ito pero alam kong tinatago niya lamang. Nakaisip agad ako ng rason. "Dahil alam kong mang-i-stalk kayo. At ayaw iyon... ng.. boyfriend ko." "B-boyfriend?" hindi sila makapaniwala. Si Claire medyo okay na pero itong dalawa tila hindi pa rin pumapasok sa kanilang isipang nobyo ko si Sedier. "Oo. Ayaw ni Sedier ko ang inistalk siya." "S-sedier ko?" hindi makapaniwala si Bridgitte. Parang hihimatayin siya s

