"Bakit meron kang ganyan?" tanong niya nang makita ang inilabas ko sa bag. Tumabi ako sa kaniya at nagpresinta na gamutin ang sugat sa kamay niya. Medyo tuyo na nga ang sugat pero lilinisin ko lang para hindi magkaroon ng infections. "Etong first aid kit? Lagi ko lang dala, in case of emergency, akin na ang kamay mo." hindi niya inabot ang kamay niya kaya ako na ang kumuha. nakaupo kaming dalawa sa damo. sinimulan kong gamutin ang sugat niya, actually di ko alam kung papaano ang ginawa ko nilinis ko na lang ng alcohol tapos nilagyan ng betadine. Hindi man lang siya umaray kahit alam kong medyo nasasaktan siya sa ginawa ko. Ngumingiwi lang siya at alam kong pinagmamasdan ako habang ginagamot siya. Nang matapos ay binalik ko ang tingin sa kaniya at nahuli siyang nakatitig sa akin. Ngu

