"I'm Sedier Keisler, 19-year-old, and..." "Are you single?" tanong ng teacher namin. Sinasabi ko na nga ba! Isa rin siya sa magkakagusto dito kay Adam—este Sedier. So, Sedier pala ang name niya hindi Adam. "Yes." Mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae sa amin. Talagang ipapakita nila iyong pagkabaliw nila dito sa lalaking ito? Kaya lalong lumalaki ang ulo at yumayabang! Kita kong nayayamot na rin ang mga kaklase kong lalake. Ayan ganyan nga dapat. Namuo ang malademonyong ngiti sa labi ko. "Thank you, Mr. Keisler. Take your seat please." kumikinang pa ang mga mata niya. Nako, kung isumbong kaya kita sa OSA! "Thank me later." bulong sa akin ni Sedier habang umuupo. Thank me later ka dyan. Umasa ka. Inirapan ko siya ng palihim pero sinigurado kong makikita niya. Tumayo ako at si

