Pinagbuksan ako ni Rigor ng pinto ng sasakyan niya. Una kong pinasok sa loob ay ang bag ko at hindi muna ako pumasok doon sa loob. Nakita kong kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Bakit ka ganiyan makatingin sa akin? May problema ba?" "Get inside the car. We need to get there ASAP." "No." Mabilis kong sabi sa kaniya. Kailangan aalis kami agad? Hindi ba puwedeng tumambay muna saglit bago umalis? Hindi pa naman ako sanay na diretso naalis. "Bakit hindi ka pa pumasok sa loob? We have to go. May oras lang na pwedeng bisitahin si Kourtney sa Hospital room, nagmamadali tayo baka hindi ka aware." "Ikaw ang may kailangan sa akin 'di ba? Matuto kang makisama at maghintay. May gagawin pa ako." "Anong gagawin mo?" Kinuha ko yung sigarilyo sa nakatag

