Pagkalipas ng gabi, umaga na'y nag-asikaso na ako para sa pagpunta ko ng University. After ko mag-breakfast kasama si Sir--err Tito Aries ay nagpaalam na ako sa kaniya at kay Aling Luring. Hindi na ako nakatanggi kay Mang Kanor dahil siya na raw ang maghahatid sa akin. "Nandito na tayo, Ma'am Krystal," ani Mang Kanor. "Hala, wag niyo po akong tawaging Ma'am, kasambahay lang din ho ako sa malaking bahay." "Iba ka naman sa mga kasambahay don, 'ne" Napangiti ako nang marinig ang tinawag niya sa akin. "Mukhang mas okay pa ho ang 'ne kesa sa ma'am, Mang Kanor." "Sige,'ne," natatawang wika niya. Napakamot pa sa ulo. "Salamat ho sa paghatid." Iba't ibang mamahaling sasakyan ang aking nakita sa paligid pagkababa ko palang. Mga studyanteng mayayamang kakarating lang din ang sumalubo

