"What now?" Tinaasan ko pa ng kilay si Rigor. Huminto kasi siya sa harapan namin. Kaya naman tinanong ko na siya kung bakit siya nandyan. "Do me a favor again." Diretso nitong sinabi sa akin. Napatingin ako kay Lhai, mukhang worried siya kasi papunta na kami sa next subject namin tapos itong si Rigor hinarangan pa ang dadaanan namin. "No." Iyon lang ang sagot ko kay Rigor at sinenyasan si Lhai na maglakad na kami sa kabilang direksyon para wala nang nakaharang sa dadaanan namin. Pero mabilis gumalaw ang mga paa ni Rigor at humarang muli sa dadaanan namin ng kaibigan kong si Lhai. "Ayaw kitang pilitin pero kapag hindi mo ako pinakinggan mapipilitan akong pasunurin ka sa paraan na gusto ko." Mariing wika ni Rigor, para bang nananakot siya. Sa mga salita niya sa akin para bang sinasa

