"Nakabusangot ka na naman, what happened girl? Bukas wala na tayong pasok. Weekend na, you should be smiling! Makakapag night out na tayo ulit." ani Jess. Nandito kami sa kubo, as usual, hindi na ako pumasok sa first subject ko dahil sobrang late ko na. One and a half hour naman yung subject na iyon pero di ko na pinasukan kahit pa may half an hour pang natitira. May dahilan naman ako at saka di na ako mapapagalitan ni Daddy about doon dahil alam niya namang late na ako kanina pero pinilit niya pa rin akong makausap. So basically, it is my Daddy's fault kung bakit ako late. Kasama ko rito sa kubo sina Craig at Jess. Yung iba naming kaibigan, may mga klase na. Si Lhai, nauna nang pumasok sa akin, nagpapahintay ako sa kaniya kanina pero dahil nga sobrang late ko na hinayaan ko na lang mu

