Oneshot 05

372 Words
"Danielllll!" Sigaw ko sa bestfriend ko na natutulog pa din.Napaiwas ako ng tingin ng mabistahan ang hubad nitong katawan.I mean topless pala. "s**t,ba't ba ko namumula."Sabi ko at inilagay ang dalawang kamay sa mukha dahil sa hiyang naramdaman. "U-uyy k-kupal gising na!"Utal na sigaw ko dahil sa malakas na kabog ng dibdib ko.Napabuntong hininga ako ng tanging tunog lang ng pagbukas ng pinto ang aking narinig,ngunit hindi ko iyon pinansin.Napangisi ako ng makita ang walis tambo sa isang sulok.Kumuha ako ng kapiraso nun at lumapit kay Daniel na tulog mantika pa rin.Inilapit ko iyon sa tenga niya dahil alam kong may kiliti siya sa bandang yun. Napanguso ako ng hindi manlang ito gumalaw.Napaiyak na ko at nanghihinang napaupo. "K-kupal star gazing na tayo."Utal na sabi ko.Napapitlag ako sa humawak ng balikat ko.Lalo akong napaiyak ng makilala kong sino iyon. "M-ama." "A-nak tama na."Mahinang sabi ni mama at hinagod ang likod ko. "Mama!Kasalanan ko y-un!"Umiiyak na sigaw ko. "M-a kasalanan ko.Kong hindi sana ako lumabas ng gabing yun edi sana buhay pa siya!M-ama iniwan niya na ko!"Hagulgol ko at napaupo na sa sahig ng bahay namin. "A-nak t-ama na!"Sabi ni mama at akmang yayakapin ako pero agad akong lumayo. "M-a wag kang lalapit!Baka mamatay din kayo dahil sakin!"Umiiyak na sigaw ko.Napailing na lamang si mama habang may awa ang mukha na nakatingin sakin. "K-ong hindi sana ako lumabas ng gabing yun para mag star gazing edi sana b-uhay pa siya!S-ana kasama ko pa siya ngayon!Sana hindi siya nasaksak,sana hindi nalang niya ko niligtas sa mang rerape sana sakin!Mama buhay sana siya ngayon!Sabay dapat kaming gagraduate.Ma mahal na mahal ko si Daniel ba't niya pa kasi ako iniligtas?!"Nagwawalang tanong ko habang nasa tenga ang dalawang kamay. "M-ma.. Nandito lang siya sa kwarto.N-atutulog lang siya."Sabi ko at sinabunutan ang sarili. "Mama hindi niya ko iniwan HAHAHA."Pagak na tawa ko ngunit patuloy pa din na bumabagsak ang sariling luha. "A-anak hallucination mo lamang iyon."Nahihirapang sabi ni mama. "Mama totoo yung sinasabi ko!Natutulog lang siya!Mama bawiin niyo sinabi niyo!" Umiling lamang si mama at lumapit sakin.Natigil ang tangkang pagsigaw ko ng maramdaman ko ang malamig na bagay sa aking balikat. "Magpahinga ka muna anak.Mahal na mahal ka ni mama."Bulong nito bago ako mawalan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD