Day 1:
Magkatabi kaming nakaupo ng girlfriend ko habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Kasing dilim ng nalaman ko kanina lang na nagpahina sa buo kong katawan. Ang sakit. Hindi ko alam kong makikita ko pa ba siyang buhay kinabukasan. May stage 4 cancer siya at araw na lang yung binibilang.
"Mahal, nakikita mo yung pinakamaliwanag na star na yun? Kapag wala na ko, dyan ka lang palagi tumingin ha." Nanghihinang sabi nito at tinuro ang napakakinang na bituin. Agad tumulo ang luha ko. Napakasakit na tanggap na niya ang mangyayari sa kanya.
"M-mahal 'wag ka ngang magsalita ng ganyan, magpapakasal pa kaya tayo." Sabi ko habang umiiyak na agad nitong pinunasan.
"Mahal na mahal kita Jared." Mahinang sabi nito.
"Mas mahal na mahal kita Elly. Lalaban ka ha." Umiiyak na sabi ko.
Day 2
Malungkot na nakamasid ako sa kanya, halatang tinatago lang nito ang nararamdamang sakit.
"Mahal kumain ka ng marami 'wag kang magpapagutom okay." Sabi nito. Napabuntong hininga ako, kahit ganyan na yong kalagayan niya ako pa din ang inuuna niya kaysa sa sarili.
"T-tandaan mo na wala ako palagi sa tabi mo para ipaalala sayo yan. At kapag namiss mo ko kuhain mo lang yung diary ko ah. Basahin mo 'yon. A-alam ko namang kikiligin ka na naman kasi patungkol yun sayo lahat.Tingnan mo din palagi mga pictures natin together." Masayang sabi nito na tumutulo din ang luha at the same time. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil doon.
Day 3
"M-mahal." Hinang-hina na tawag nito sakin. Nasa rooftop ulit kami dahil sa pagpupumilit niya na mag star gazing.
"L-lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. 'W-ag mo kong kalilimutan ha, at gusto kong humiling sayo na sana tuparin m-mo."
"A-no 'yon?" Mahinang tanong ko. Agad nitong hinaplos ang mukha ko.
"M-agmahal ka ulit. Hanapin mo 'yong babaeng hindi ka iiwan hanggang sa huli at mamahalin ka habambuhay." Nakangiting saad nito na ikinailing ko. Hindi ko magagawa yun. Nag-uunahang pumatak ang mga luha ko, hindi ko magagawa yun. Sobra ko siyang mahal.
Day 4
Nandito ako ngayon sa rooftop, umiiyak ng mag isa. Walang tigil, tuloy tuloy. Ang sakit tanggapin na iniwan niya na ko. Ang sakit tanggapin na wala na yung taong mahal na mahal ko at minahal din ako ng todo na higit pa sa sarili niya. Makahahanap pa ba ko ng katulad niya? Ayoko, hindi ko tutuparin ang hiling niya. Lalo akong napaluha ng mabasa ang unang pahina ng diary niya.
Love Of My Life
-I Love You Forever Mahal, You Will Always Be The One For Me-
****