'WALA KANG KWENTA'
-Paulit ulit.Araw araw. 'Yan ang naririnig ko sa mga taong nakapaligid sakin. Wala ba talaga kong kwenta? Ginawa ko naman lahat, bat wala pa din akong kwenta?
"Kababaeng mong tao bur*ra ka! Wala kang kw*nta!" Sigaw sakin ni mama. Agad akong napaluha. Hindi ko lang naman naayos yung mga gamit ko kasi pagod na pagod na ko sa school.
"Sorry ma" Nakayukong sabi ko. Napangiwi ako ng kinurot ako nito.
"Bakit hindi mo gayahin yong anak ng kapitbahay natin?Matalino, marunong maglinis at hindi tamad!Eh ikaw?Puro ka nalang cellphone!" Galit na sigaw nito. Lalo akong napaiyak.
"Wala kang kw*ntang anak!" Sigaw nito bago ako iniwan. Napasabunot ako sa buhok ko. Kasalanan ko ba na hindi ako matalino? Gumagawa naman ako sa gawaing bahay eh bakit hindi nila nakikita yun?Bakit puro mali ko nalang lagi ang napapansin?Paano naman yung mga mabuting ginawa ko?
~~~~
"Ate,pahingi" Narinig kong sabi ng kapatid kong bunso.Agad akong umiling.
"Baby girl bawal pa sayo to eh masisira ngipin mo." Sabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla itong pumalahaw ng iyak. Agad akong nataranta sa pag alo dito.
"Baby girl tahan kana, hindi kasi pwede sayo tong chocolate eh papagalitan ako ni mama. T-tahan kana p-please." Umiiyak na ring sabi ko. Agad akong nakarinig ng mga yabag na papunta samin.
"Ano na namang ginawa mo sa kapatid mo?!" Galit na sigaw ni mama.
"A-ayaw po akong bigyan ni Ate" Sagot ng kapatid ko.
"E-h kasi ma-" Hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ng sinabunutan ako nito.
"Wala kang kwentang Ate! Patay gutom ka! Tamad kana nga tas 'yan pa gagawin mo sa kapatid mo!" Sigaw nito. Napahagulgol na ako sa sakit at hinahawakan ang kamay ni mama para pigilan siya sa patuloy na pagsabunot sakin.
"Bat kasi hindi-"
"Ako tumulad sa anak ng kapitbahay natin na matalino,marunong maglinis at hindi tamad" Umiiyak na sabi ko. Agad akong napahawak sa pisngi ko ng bumiling iyon sa sakit. Sinampal ako ni mama.Sinampal niya ko.
"Huwag mong pinuputol ang sinasabi ko! Dahil totoo naman na ganun ka! Wala kang kwenta!"sigaw nito sa mukha ko tas inakay muna ang kapatid ko bago umalis.
Napaupo ako dahil sa sobrang panghihina.Bakit ganun si mama sakin?Alam ko may mali ako sa ginawa ko na 'yon pero grabe na, paulit ulit nalang. Araw araw nalang. Wala kong kw*nta,bur*ra,t*mad,b*bo. Ang sakit. Lalo na't kinukumpara ka.
'Ma,alam ko namang anak mo lang ako sa taong nang rape sayo pero sana nirespeto mo ako kahit bilang tao lang hindi na bilang anak' Sambit ko at patuloy na lumuha ng tahimik.