“Ano bang kalokohan ‘yang sinasabi mo? Sa lahat ng biro, ito ang pinakanakakapikon!” sigaw ko kay Vanessa. Hinilot-hilot ko ang aking noo habang nakaupo sa mahabang couch dito sa may sala. Kanina pa niya sinasabing bampira raw ako. Sino'ng maniniwala roon? Hindi totoo ang mga bampira. Gawa-gawa lang iyon ng mga taong may malawak na imahinasyon. Hindi ko alam kung bakit pinipilit niyang isa raw ako sa kanila at ako ang susi sa lahat. Tangina, nagkagusto ba ako sa isang babaeng may saltik? “Mukha ba akong nagbibiro? Isa kang bampira, Primitivo at hindi mo matatakasan ang nakatadhana sa 'yo! Ano pa ba'ng gusto mong gawin ko para maniwala ka?!” sigaw rin niya. Nakita kong pumula ang kanyang mata. Ilang beses kong ipinikit ang aking mata dahil baka namamalikmata lamang ako pero hindi, totoon

