Kabanata 7

2974 Words

"Bakit si Ivo pa ang kailangang mag-tutor sa 'yo sa Math, Casper? Pwede namang ako, ah!" reklamo ni Grey. Nakatungtong ang dalawa niyang paa sa kanyang silya at yakap niya ang kanyang tuhod. Para siyang batang nakanguso at nagtatampo. Ang laki-laki niyang lalake, para siyang bata. Simula no'ng dumating kami rito sa loob ng room at napag-alaman niya ang gagawin kong pagtu-tutor kay Casper ay nagsimula na siyang magreklamo. Napapailing na lang ako habang nagta-tantrums siya. Dinaig pa niya 'yung pilyo pero iyaking anak ng kapitbahay namin na palagi kong pasimpleng binabatukan kapag nadadaanan ko sa kalsada. Nakakairita kasi, eh. "Mas matalino naman ako kay Ivo, eh! Ay hindi pala, pare-pareho lang tayong boplaks dito maliban kay Vanessa!" reklamo pa rin niya.  Hindi siya nagkakamali, pare-

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD