"Aray ko naman! Bakit ka ba nanununtok?!" reklamo ko habang nakahawak sa pisngi ko. Kundi ko lang crush 'tong si Vanessa kanina ko pa napatulan, eh! Kanina pa ako binubugbog, eh! Paano ba naman, ayaw akong paalisin tapos ayaw ring ipapatay ang ilaw, at eto pa, gusto pang may katabi matulog! Kulang na lang isipin ko na may crush na rin siya sa akin, eh. Pero paano nga kaya kung may gusto na rin sa 'kin si Vanessa? Shet, 'wag gano'n, kinikilig ako. "Ang sabi ko d'yan ka lang tumabi, wala akong sinabi na yakapin mo ako!" Sinipa niya ako nang malakas kaya nahulog naman ako sa kama. Napahawak ako sa aking noo na tumama sa sahig. Napaka-amozona talaga ng babaeng 'to! May sakit pa siya ng lagay na 'yan, ah! "Hindi ibig sabihin na pinatabi at pinag-stay kita rito ay close na tayo!" sigaw niya

