Bugnot na bugnot ako habang bumabangon sa aking kama. Napahawak ako sa aking ulo at napapikit nang mariin. Ang tindi ng hangover na dinadanas ko ngayon. Masyadong napasarap ang pag-uusap namin ni Tita Pristine na inabot na kami ng gabi doon sa park. No'ng medyo lumalamig na ay nag-anunsyo siya na kailangan na niyang umalis. Ihahatid ko pa sana siya pero ayaw niya talaga kaya hindi ko na siya pinilit pa. Iyon ang unang beses na nakipag-usap ako sa isang tao na gano'ng katagal. Hindi naman kasi ako masyadong mahilig makipag-usap. Palagi ko lang dinadaan sa mga bugbugan at hindi na umaabot pa sa paliwanagan. Pero ang gaan ng loob ko kay Tita Pristine. Sana makita ko siya ulit. Kaso no'ng pauwi naman ako, napadaan ako sa isang kanto na may mga nag-iinuman. Mga kakilala ko rin naman ang mga iy

