Buong magdamag akong gising at pinapanood lamang si Papa habang nakahiga sa hospital bed. Inoperahan siya sa ulo dahil may malaking sugat siya rito. Mukhang napatama ang ulo niya sa dulo ng lamesa kaya nagkaroon ng sugat. Buong oras na nasa loob siya ng Operating Room ay walang tigil ako sa pagdadasal sa Diyos na kahit kailan ay hindi ko pinaniwalaan. Buong akala ko ay hindi ko kailangan ng Diyos na pagdadasalan pero nagkamali ako. Sa oras na ito, Siya lang ang kakampi ko. Siya lang ang makakausap ko. Lubos ang pasasalamat ko sa kanya dahil hindi naman malala ang kalagayan ni Papa. Tanging ang sugat lamang niya sa ulo ang problema. Kinuyom ko ang aking kamao. Kung sino man ang gumawa ng bagay na ito sa kanya ay hindi ko siya mapapatawad. Wala akong kilalang kaaway ni Papa. Kilala si Papa

