Tahimik na pinagmamasdan ni Logan ang natutulog na si Pristine. Isang oras na siyang nakarating sa kinaroroonan nito at naabutan niya itong natutulog. Nang makita niya si Pristine ay nawala sa kanyang isip ang lahat ng gusto niyang gawin. Ang plano niya ay pahirapan ito at piliting sabihin kung nasaan ang anak nilang dalawa. Gusto niyang iparamdam sa asawa ang sakit na naramdaman niya noon. Gusto niyang maghiganti. At higit sa lahat, gusto niyang makuha ang kayamanan. Alam niyang ang anak niya ang susi rito kaya naman gagawin niya ang lahat mahanap lang ang kanyang anak. Gumalaw si Pristine at pumihit sa kinaroroonan ni Logan. 'Agad namang lumayo si Logan at nagtago sa dilim. Napamura na lang siya sa kanyang isipan dahil sa kanyang ginagawa. Bakit nga ba siya nagtatago? Bakit hindi pa n

