"Ano namang training ang gagawin ko?" tanong ko sa kanila. Matapos nilang sabihin na handa na ako dahil lumitaw na ang tatak sa aking dibdib, kailangan ko naman daw na mag-ensayo para kung sakaling dumating na ang mga kalaban ay may magagawa ako. Ano pa bang dapat kong matutunan? Malakas na ako. Guwapo ako. Ano pa bang kulang sa 'kin? Ang problema ko na lang ngayon ay ang pangloloko ni Sir France kay Vanessa, eh. Kung ensayo lang din naman ang pag-uusapan, kaya ko naman sigurong lagpasan iyon ng walang kahirap-hirap. "Bago namin sabihin sa 'yo kung anong klase ng traning ang kailangan mo, sasabihin muna namin sa 'yo kung ano ang mga kapangyarihan namin," panimula ni Casper. "Bawat isa sa amin ay may sari-sariling kapangyarihan. At ganoon din sa 'yo," paliwanag niya. "Ang kapangyarihan

