"What is it?" tanong ko kay Adrienne dahil parang kinakabahan siya o kung ano. Kinuha ko ang kamay niya ang ikinulong palad ko.
Tumingin siya sa'kin na halos manginig na ang katawan niya sa kaba. I'm confused, what's going on?
"Darating ang parents ko, F. They knew about your deal with your father," wika niya na nanginginig na ang mga labi.
Tumaas ang kilay ko. Anong deal? "What deal?"
"About the position that you will pass to your brother."
There I understand. It's been three weeks but Matthew Whitlock didn't come to my office to confront me about the passing of the position to his first son.
Nakalimutan ko na rin dahil sa rami nang inaasikaso at iniisip ko. Ayaw ko namang madagdagan pa iyon kaya isinantabi ko muna iyan.
"Hindi ko ipapasa ang posisyon ko sa kanya," mariing sabi ko. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya na parang sinasabing hindi ko ibibigay kay Nash Whitlock ang posisyon, ang unang anak ni Matthew Whitlock.
"Alam ko pero galit si Dad, F. T-Tumawag siya last week na pupunta rito. Hindi... hindi ko na sinabi sa'yo dahil akala ko nagbibiro lang si Dad. F, baka patatalsikin ka sa p-posisyon," tarantang aniya.
"Shhh. Calm down, Adrienne. Hindi mangyayari iyon, okay? Let me handle this. Just this one," pagkalma ko sa kanya at kinulong sa mga braso ko para matigil sa panginginig ang katawan. "Do you trust ma, Adrienne?"
Hindi siya sumagot at yumakap lang sa'kin bilang tugon. Naramdaman kong tumango siya para mas masagot pa ang tanong ko.
"I want you to say it. Do you trust me?" tanong kong muli.
"I-I do. I do trust you, Gifflet," tugon niya sa medyo malakas na boses.
"Good." I rubbed her back to calm her. "Are they coming today?"
I'm not really planning to pass the position to Nash. Adrienne's parents values this hospital a lot. Kaya hindi nila basta-basta na lang ipinamana kung sino lang.
Gusto pa rin nilang may koneksyon ang anak nila sa hospital kaya mas minabuti nilang ipagkasundo sa isa ring doctor na kayang pamahalaan ang ospital, pero parang nagkamali sila ng lalaking napili para sa anak at ospital nila. No, maling-mali talaga.
"Yes," tipid niyang sagot.
Napatango ako at bahagyang lumayo sa kanya para mabigyang distansya ang katawan naming dalawa at para makaharap ko, makita ang mukha niya. "Let's prepare then. Tanghali ba sila pupunta? Hindi na muna ako papasok ngayon, I'll call Beam to inform him."
Magagalit si Beam panigurado. Hindi na nga maayos si Ley, liliban pa ako ngayon. Sa ngayon, hahawakan muna niya ang team ni Ley na dapat ako ang humahawak ngayon.
I did my first surgery last night and it was successful. Kaya rin bilib sa'kin si Beam dahil hindi raw siya makapaniwalang kaya ko ring mag-opera sa field na iyon.
Hindi na rin siya nagtanong at mas pinagkatiwalaan niya akong hindi ko ipapahamak ang pasyente ko sa oras na naging partner ko na si Richard.
I was proud honestly, that was my first ever surgery and it was successful. Who wouldn't, right? That's something I should be proud of.
"Hindi ko alam." Napatango-tango ako sa sagot niya.
"Come on, let's cook. Ipapainit na lang natin kapag tanghali o hapon sila darating."
"Okay." She nodded and simply smiled.
We cooked her parents favorite which is Adobo and Giniling. Sabi niya mas gusto raw ng parents niya ang Filipino foods.
Dinagdagan ko na rin ng Dinuguan since it was my favorite. Kinailangan ko pa ngang pumunta ng palengke para bilhin iyon.
Nagtataka na si Adrienne kung bakit ko raw nagustuhan iyon dahil nakakadiri raw iyon pero nirerespeto naman niya iyon lalo na at paborito ko iyon.
Dinagdag na rin niya ang gusto niyang ulam na fried chicken. We enjoyed cooking together at nagtatawanan pa kami habang ginagawa iyon.
It took us more than two hours to finish cooking. Kailangan pa naming iayos ang mga ginamit namin kaya natagalan kami lalo.
Tinawagan ko na rin si Beam kanina at hindi ko talaga siya masisisi kung gano'n ang reaksyon niya.
"Hindi ka papasok ngayon?" tanong ni Beam sa kabilang linya.
"Yeah," sagot ko.
"Edi tangina niyo pala. Ang dami kong gagawin dahil sa inyo. Ito namang si Ley nagmumukmok sa secret room mo rito. Tapos ang dami pang pasyente ngayon. Sabihin mo nga, plano niyo bang patayin ako sa stress?" Natawa ako dahil naiisip ko na ngayon ang itsura niya habang sinasabi iyon. I feel bad for him, I really do.
"Chill. Ngayon lang ito. Ikaw na munang bahala diyan. Pupunta na lang ako after this emergency. Good luck! Bye!"
"Wai—" I hung up the phone para hindi na siya makaangal pa. Bahala na muna siya roon.
Pero hindi ibig sabihin nu'n wala akong mata doon. Papanoorin ko pa rin si Richard doon. Mula noong dumating siya rito ay hindi ko na hinayaang mawala ang mga mata ko sa kanya.
Even Shaniah, she's really a b***h. Cheating behind Richard's back. She's actually the real hypocrite here.
Kung tutuusin nga, ginagamit lang niya si Richard.
Nabalik ako sa sarili ko nang tapikin ako ni Adrienne. Napatingin ako sa kanya.