HINDI tinatanggal ni Liezel ang kamay sa mahigpit na pagkakahawak ni Kyle habang pumapasok sila sa loob ng bahay nito sa Ayala. Dito na sila nagtungo matapos ang insidente kanina. Kahit na ilang beses na sinabi ni Liezel na magpunta sila sa ospital ay hindi pa rin nakinig ang binata. Sinabi nitong maayos lang ito at wala namang sakit na nararamdaman pero sa kabila niyon ay hindi pa rin nawawala ang pag-aalala niya. Lumakad sila patungo sa living area at sabay na naupo sa couch na naroroon. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila bago naisipan ni Liezel na basagin ang katahimikang iyon. “Akala ko umalis ka na,” mahinang wika niya, bahagya pang pumiyok. “I… I thought you left me again.” Hindi niya na naman napigilan ang sarili at muling napaiyak. Marahang binitawan ni Kyle ang k

