ARVIN'S POV
"Hanggang sa susunod po nating pagkikita, Haring Madison" may ngiti namin siyang tiningala at hinatid kami ng Generals palabas ng Abarca.
"Saan ka nagpunta kagabi?" seryosong tanong ni Vann.
"Restroom" tipid kong sagot kaya hindi na siya nakaimik pa. Naramdaman ko naman ang tingin sa'kin ni Miguel pero hindi ko nalang ito pinansin.
"Magkita tayo sa susunod na araw" may ngiting sabi ni Leo sa amin pagkarating namin sa East Gate.
Tumango lang kami ni Vann bago namin sila talikuran. Nagsimula na ang paglalakbay namin pauwi ni Vann.
LEERIN'S POV
"Nakarating na ang sulat kay Ms. Helen. Pauwi na si Vann at Karim" biglang sulpot ni Celia sa tabi ko habang hindi ko naman maalis ang tingin ko sa labas ng bintana.
"Ooh, kung pabalik na silang dalawa mas mabuting ipaghanda natin sila ng makakain" sabi ni Sister Bethy at kaagad siyang dumiretso sa kasina.
"Oh" inabot ni Celia sa akin ang isang saging na kasama nung kaninang kaninakain niya, "H'wag ka magpaka-stress. Makakauwi ng buhay 'yon. Tutulungan ko na muna si sister sa pagluluto, ikaw pumunta ka sa kwarto ni Karim at linisin mo ang kwarto niya"
"B-bakit ako?" nang marealised ko na paniguradong magulo nanaman ang dadatnan ko sa kwarto ni Karim kahit na nalinis ko na 'to noon.
Ngumisi naman itong si Celia, "Hindi ba't trabaho 'yon ng asawa?"
Nagulat naman siya nang may humampas na palanggana sa ulo niya, "Usapang asawa nanaman 'yang iniisip mo. Palibhasa wala ka pang pinapakilala sa'kin" si Eugene na kakapasok lang ng kusina, si Celia kaagad ang napansin niya.
"Tingin mo may mapapakilala ako sa'yo hanggat nandito ako sa East Ground? Walang gwapo dito, like duh-- ang dudugyot ng mga lalaki" at nahampas ulit si Celia ng palanggana, "Ang dami mong arti"
"Of course, future ko ata ang pinag-uusapan natin dito"
"Kayong dalawa, tumigil na kayo. Celia hugasan mo nalang ang pinggan. Ikaw naman Eugene, hanguin mo ang mga sinampay ko sa likod. At ikaw Leerin bakit nakatayo ka lang diyan? Ano mang oras nandito na sila Karim"
May ngiti ko silang iniwan at nagtungo agad ako sa kwarto ni Karim. Pero sa pagbukas ko ng pinto, nabigla ako. Hindi ito magulo hindi katulad ng inaasahan ko. Parang walang bagay na nagalaw simula nung makauwi kami rito.
Wala rin akong maisip na gawin o ayusin sa kwarto ni Karim kaya napagdesisyunan ko na bumalik sa kusina.
Napansin naman ako kaagad ni Celia, "Suko ka na sa kwarto ni Karim?" pang-iinis niya.
Umiling naman ako, "Malinis ang kwarto niya...." at lumapit na ako sa kanila.
"Haha! Masamang biro, Leerin"
"Hindi ako nagbibiro" mahinang sagot ko.
"Sa susunod na araw na ang recruitment ng mga Generals sa East High. Kamusta ba ang naging resulta ng camp niyo?" tanong ni Sister.
"Panalo Sister. Ha! Akala ata nung Vann na 'yon, hindi ko siya madudurog!"
"May sinasabi ka ba, Celia?" pare-parehas kaming nalingon sa pintuan at nanduon si Vann at sa likod niya ay si Karim na naghuhubad ng sapatos.
Nung una parang nabigla pa si Celia pero nagpatuloy siyang mang-asar, "Bakit wala namang mali sa sinabi ko, meron ba? Correct me if I'm wrong, okay?" at hiniwa ng puno ng gigil ni Celia ang pakwan.
"Umupo na kaya kayong dalawa kung gusto niyong maghapunan. Anong gusto niyo paghain pa namin kayo ng kanin at ulam?" dugtong pa ni Celia pagkalapag niya ng hiniwa niyang pakwan sa lamesa. Naglakad naman papalapit sa lamesa si Vann.
Sa pag-ikot ni Karim paharap sa'kin, hindi ko napigilan ang pagngiti ko, "Welcome back"
May maliit na ngiting nabuo sa labi niya at tumango siya.
"Bakit parang pagod na pagod ang mga kabayo?" tanong ni Eugene na kakapasok ng bahay bitbit ang mga nakatupi na na mga damit.
Nilingon naman namin sila Vann at Karim na napaiwas ng tingin sa'min, "Haha! H'wag niyo sabihing nagkarerahan kayong dalawa pabalik dito sa East Ground? Hindi na nakakapagtakang ang bilis ng paglalakbay niyo" natatawang sabi ni Sister.
Lumaki ang ngiti ni Celia, "Pero h'wag niyong kakalimutan na ang kabayong pinagod niyo, ay pag-aari ni Ms. Helen. Hah! Mukhang may mapaparusahan bukas"
Tinignan naman ng masama ni Vann si Celia na tawa ng tawa.
"So sinong nanalo?" at lumapit si Eugene sa isang bag na bitbit pauwi ng dalawa, "Hmm? Ano 'to?"
"Pasalubong sa mga bata" sagot ni Vann.
"Woah, masyado ka bang nagbilad at natunaw ang nagyeyelo mong puso?" biro pa ni Celia at lumapit siya sa bag pero kaagad 'tong dinampot ni Vann, "Bata ka ba, ha?"
Bumalik sa pagkakaupo si Vann at nagpatuloy sa pagkain hanggang sa, "Tsk. Paniguradong hindi niyo naman pera ang pinangbili niyan" salitang nagmula kay Celia at biglang nasamid si Karim at Vann.
"Ano ba naman 'tong mga batang ito" nag-aalalang kumuha si Sister ng tubig para sa dalawa kaya sumunod ako para kunin ito, "Ako na po, Sister"
Binalikan ko sila Karim at Vann at kaagad nilang ininom ang tubig.
"Ano 'to, ano 'to. H'wag niyo sabihing tama ako? Woaah" si Celia na hindi parin tumitigil.
"Tatamaan ka talaga sa'kin kapag hindi ka pa tumigil!" sabi naman ni Vann na napatayo na.
Hindi ko alam kung paano natigil ang ingay sa building na 'to pero, ito ang ingay na kailan man-- hindi magiging masakit sa tenga.
"May problema ba, Karim? Ang lalim ng iniisip mo" tanong ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Karim para tulungan siya sa mga damit niya.
"Pagod lang..." tipid niyang sagot.
"Masaya ang mga bata sa mga pasalubong niyo. Kakaunting tao palang ng East Ground ang nakakatapak sa Abarca. Kaya iba ang saya ng mga bata"
Tinignan niya muna ako sandali at ibinalik ang tingin sa ginagawa niyang pagtutupi ng damit niya, "Matagal ng malaya ang mga taong nandito. Kaya bakit walang lumilipat ng lugar?"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya kahit na wala sa'kin ang mga tingin niya. "Malaya nga tayo pero hindi lahat, tanggap tayo"
Sa pagtama ng tingin namin, napahawak ako bandang itaas ng kaliwang dibdib ko, "Hanggat nandito ang marka ng nakaraan, may mga kadena paring nakatali sa atin. May mga huhusga parin sa atin at may mga tao paring hindi tayo kayang tanggapin"
Huminto ako sandali sa pagsasalita bago nagpatuloy, "Pero habang nandito tayong lahat, mapoprotektahan natin ang isat-isa"
Panandaliang katahimikan ang nalikha ko kaya naman tumayo na ako, "Mas mabuti pang magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas. Goodnight"
May ngiti siyang tumango, "Good night"
Pagkasara ko ng pinto, napabuntong hininga nalang ako. Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko, pero ito rin ang markang nag-uugnay sa'tin.
MIGUEL'S POV
Naramdaman ko ang pagpasok ni Karim sa kwarto ko pero imbis na lingunin, ininom ko ang wine na nasa table ko.
"Kung hinayaan mo siyang makalabas ng Abarca ng buhay, ang ibig sabihin ba nito ay hindi mo na siya papatayin?"
Sa totoo lang, hindi ko rin napaghandaan ang posibilidad na magka-amnesia si Arvin kaya hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Dahil ... para akong papatay ng inosente.
ARVIN'S POV
Naglalaro sa palad ko ang pana na muntik ng makapatay kay Peter nang maalala ko ang isang bagay na sinabi niya sa akin.
FLASH BACK
Matapos kong iwan si Miguel nung gabing 'yon sa corridor ng puno ng pagtataka. Sa pagbalik ko sa kwarto, nag-aabang si Peter sa harap ng pintuan.
"Pwede ba kitang makausap?" hindi ako umimik at dinala niya ako sa isang tahimik na lugar.
"Hindi kita bibigyan ng dahilan kung bakit ko sasabihin ang bagay na 'to. Pero gusto ko na malaman mo, nakita ko rin sa vision ko ang pagkamatay ni Ate Aliyah" tinignan ko siya sa mga mata niya na puno ng tapat. Ito ang mga tingin na nagsasabing naghihinala na siya na ako si Arvin.
"Nakita mo ba ang papatay sa kanya?" kalmado kong tanong at tumango siya, "Si Arvin Boreanaz"
END OF FLASH BACK
Sinong Arvin Boreanaz? Ako na bilang Karim Davila o si Karim Davila bilang ako?
To be continued ...