CHAPTER 9: MIDNIGHT ENCOUNTER

1362 Words
PETER'S POV "Karim Davila, gusto ko sana silang salubungin bilang Peter Gaillard" pakiusap ko at napansin ko ang pasimpleng pagngiti niya. Nung una akala ko paglalaruan niya pa ako pero tumango siya, "Hm" Ang hindi ko inaasahan ay ang pagbiglang seryoso ng mga tingin niya kahit hindi parin nawawala ang ngiti niya, "Pero sigurado ka? Hindi pa dumadating ang tadhana mo" Tadhana... Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hanggat hindi ko nalalampasan ang napakalaking pagsubok ko sa buhay, kahit dito sa loob ng Abarca-- hindi ko masasabi na ligtas ako. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Pagbalik ko ng lingon sa kanya ay nagpalit na kami ng anyo, sa madaling salita ay bumalik na ako sa totoo kong anyo, ganun din siya. MIGUEL'S POV Bago ko binitawan ang string, nilingon ko muna ang totoong Karim Davila sa tabi ko na parang handa ng tamaan ng konsensya. "Ayaw mo bang ikaw ang tumapos ng buhay niya? Tutal inagaw mo narin naman ang pagkatao niya" biro ko pero umiwas lang siya ng tingin. "Tsk. Kung ayaw mo, ako nalang ang tatapos ng problema mo" Hinatak ko ang string at itinapat ko ang arrow sa ibaba para marami itong direction na magawa. Pagkabitaw ko ng string, may ngiti ko itong sinundan ng tingin hanggang sa halos hindi ko na 'to matanaw. Good bye, Arvin Boreanaz. PETER'S POV "Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Karim?" tanong ni Vann at nagpatuloy siya, "Sa oras na mamatay ang Prinsipe, buhay din natin ang magiging kabayaran" May kaba kong nilingon si Karim pero ngumiti siya at kasunod nito ang mabilis na pag-abot ng kamay niya malapit sa dibdib ko. Nang lingunin ko kung ano ang nasa kamay niya, isa itong arrow na parang gustong kumawala sa kamay ni Karim. "Sinabi ko na, hindi ba? Na wala akong hahayaan na mamatay" dahil sa sagot ni Karim, lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa naghalong kaba at takot. "Magus Enhancement..... Ablendan (Black Hole)" at mayroong parang humati sa space na unti-unting hinigop ang arrow. Tinignan ko si Karim pero napakalma ako ng mga tingin niya, "May isang salita ako. Kapag sinabi kong hindi kita hahayaang mamatay, papanindigan ko 'to" "Hm" may ngiti kong pagsang-ayon dahil sa di ko malamang dahilan ng pagkawala ng kaba ko. "May nasaktan ba?" kaagad na tanong ni Kuya Leo pagkalapit nila. Umiling ako, "Okay lang kami" "Galing sa loob ng Abarca ang pana. Mabuti na lang at kasama niyo kami na pupunta sa Palasyo" sabi ni Ate Aliyah pero nagsalita si Karim na kahit kami ang kausap niya ay nasa Abarca ang mga tingin niya. "Wala na sa Abarca ang kalaban na may tangka sa buhay ng Prinsipe" "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Ate Aliyah at nilingon kami ni Karim pero sa'kin huminto ang tingin niya, "Dahil hindi mo tinakasan ang tadhana mo-- ikaw mismo ang lumapit. Sa madaling salita, ikaw lang ang hinihintay ng papatay sa'yo. Kung naghihintay sila para sa isang ambush, ibig sabihin planado na ang lugar na pagtatakasan nila. Sapat ang oras na naibigay ng magnet arrow para makatakas sila" Lahat kami halos hindi maka imik dahil sa sinabi niya hanggang sa magbuntong hininga siya. "H'wag kayong ma-amazed dahil gamit ko ang Deduction Unique Skill" mahinang sabi niya na halos maging bulong na at kumindat siya habang nasa labi niya ang hintuturo niya. "Mas mabuti ng bumalik muna tayo sa Palasyo at mapasalamatan kayo ng Hari" sabi naman ni Kuya Leo. Sa pagtapak ko, hindi ko maalis ang tingin ko kay Karim, dahil nakakasigurado na ako. MIGUEL'S POV Nakakasigurado akong walang makakapigil sa isang magnet arrow, kaya anong ginagawa ni Arvin sa harapan ng Hari? Hindi ba dapat ay patay na siya?! "Hayaan niyo akong magpasalamat sa pangalawang pagkakataon. Naghanda kami ng kwarto para dito na kayo makapagpalipas ng gabi" ang sabi ng Hari na nakaupo parin sa trono. Nagbow si Arvin at ang lalaking nagngangalang Vann Harold. "Kayo na ang bahala sa kanila, Arvin" sabi pa ng Hari matapos lingunin si Karim na nasa katawan ni Arvin na ngayon ay nasa tabi ko. Nagbow din siya at lumapit kila Arvin at Vann. Napansin ko pa ang pagtama ng tingin ni Karim at Arvin pero hindi ko mabasa sa tingin ni Arvin kung anong nasa isip niya ngayon "Sumunod kayo sa akin" Sinundan ko sila kahit hindi mawala ang mga tingin ko kay Arvin na kung umasta ay parang hindi ko pinagtangkaan ang buhay niya. "Karim Davila, may chance pa bang maibigay mo sa'min ang pana na muntik ng pumatay sa Prinsipe?" tanong ni Leo na ikinabigla ko. "Pana?" pagsingit ko sa usapan. "Imbis na salubungin ng paggalang, sinalubong ng isang pana ang Prinsipe bago pa man siya makatapak ng Abarca" Ang ibig sabihin nang umataki ako, nakabalik na sila sa totoong anyo nila at... at wala akong kinamalayan na ang Prinsipe ang kamuntikan kong patayin? "Imposible ko nang mabigay ang pana dahil nasa ibang dimension na 'to" sagot ni Arvin kay Leo. "Naiintindihan ko" binuksan ni Leo ang pinto ng isang kwarto na may dalawang higaan, "Magpahinga na muna kayo. Kami na ang bahalang magdala ng hapunan niyo" "Salamat" Pag-alis namin lumapit ako kay Leo, "Hindi niyo sinabi sa Hari ang tungkol sa pagtatangka sa buhay ng Prinsipe?" "Hindi gustong ipaalam ng Prinsipe sa Hari ang tungkol sa vision na nakita niya" pagsagot ni Aliyah. "Hindi gusto ng Prinsipe na mag-alala ang Hari sa kanya lalo na sa kundisyon ngayon ng Hari" Bago kami lumiko ng daan, sinilip ko pa sandali ang pinto ng kwarto nila Arvin. Babalikan kita, Arvin. ARVIN'S POV Ilalapag ko na sana ang ulo ko sa unan nang matigil ako midway dahil sa pagbatak nito ni Vann, "Bakit nagsinungaling ka sa Generals na hindi mo maibibigay sa kanila ang pana na muntik ng makapatay sa Prinsipe?" Imbis na ituloy ko ang paghiga ko ay umupo nalang ako, "At isa pa, kailan mo pa natutunan ang Unique Skill ko?" "Kanina lang. Hindi ko maibigay sa kanila ang pana dahil hindi naman ako ang owner ng skill na 'to" natahimik naman siya kaya nagpatuloy ako, "May tanong ka pa ba? Inaantok na ako" "Kung ganuon, gusto kong malaman kung sino ka ba talaga" tinignan ko siya sa mga mata niya at ganito ang mga mata ng mga taong malakas ang pakiramdam sa hinala nila. Kinuha ko ang unan na nasa kamay niya at humiga ako. "Ano bang sinasabi mo? Ikaw ba ang may amnesia?" tumalikod ako sa kanya at pumikit ako, "Magpapahinga na ako" dahil kailangan kong gumising ng maaga. MIGUEL'S POV Hating-gabi nandito ako sa corridor at hinihintay ang isang tao na sigurado akong darating. Sa pagrinig ko ng step niya, kaagad kong tinapat ang espada sa leeg niya, kaya tumigil siya sa paglalakad. "Bilib din ako sa'yo. Sino ang tangang babalik dito para lang mamatay sa mga kamay ko?" Pagtama ng liwanag sa kanya, nakikita ko nanaman ang mga tinging walang kasindak-sindak. Marahan niyang inusog ang espada ko na parang ala siyang katakot-takot. "Ganito ba ang trato ng General sa bisita?" "H'wag kang magmaangmaangan. Ikaw ang totoong Arvin Boreanaz" Tinignan niya ako sa mga mata ko at duon ko malinaw na nakita ang matatapang niyang tingin, "Kung ako si Arvin Boreanaz, sino ang Arvin Boreanaz na nandito sa Abarca? H'wag mo sabihing siya ang totoong Karim Davila?" nagbigla ako sa sinabi niya dahil parang walang bahid ng kasinungalingan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Huli ko nalang napansin na nilagpasan niya ako sa paglalakad niya habang ako ay puno ng pagtataka. A-anong nangyayari? "Miguel" nilingon ko si Karim na lumabas sa dilim. Inabot niya sa'kin ang isang papel, "Kakaupdate lang ng profile ni Karim Davila, nawalan siya ng ala-ala dahil sa aksidente" dugtong ni Karim at hindi ko napigilan ang paglaho ng espada sa mga kamay ko. "Sinabi ko na sa'yo hindi ba, na bago ako mapunta sa katawan ni Arvin Boreanaz-- nasa bingit din ng kamatayan ang buhay ko" "Paano..... paano kung umaarte lang siya?" mahinang tanong ko sapat para marinig ni Karim. "Umaarte man o hindi, kung talagang naaalala ni Arvin ang totoong nangyari-- hindi niya papalampasin ang araw na 'to para makabalik sa totoong katawan niya" To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD