CHAPTER 3: DOUBT

1327 Words
MIGUEL'S POV "About sa laban ni Arvin at ni Miguel 2 weeks from now, mas mabuting ipostpone nalang muna natin" panandalian kong nilingon si Aliyah. "Wala sa tamang kondisyon si Arvin para lumaban" dugtong niya pa. "Hmmm, pero hinihintay mo rin ang oras na magkalaban kayo ni Arvin, hindi ba, Miguel?" nilingon ko si Leo na parang pinag-iisipan ng mabuti ang pinag-uusapan namin. Dati oo, sabik na sabik akong makalaban ang Captain ng Generals pero ngayon... para saan pa? Nabuhay nga siya mula sa lason ko, pero mistulang ibang Arvin ang nakaligtas dito. "Kung gusto mo, tayo nalang ang maglaban" suggestion ni Leo. Umayos ako ng upo, "Bakit hindi natin hingin ang opinyon ng mismong taong dapat na lalaban?" tumayo ako, "Pupuntahan ko si Captain. Gusto ko ring malaman ang opinion niya" Hindi na sila sumagot kaya lumabas na ako sa meeting room. Kung ikaw nga ang Captain na kilala ko, kahit wala ang mga ala-ala mo, pipiliin mo paring lumaban. Huminto ako sa harapan ng pinto ng kwarto ni Captain nang marating ko 'to. "Captain, ako 'to... si Miguel" Mga ilang segundo ang lumipas walang sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto. Nilingon ko ang buong paligid, pero wala akong Arvin na nakita sa kwarto. LEERIN'S POV Matapos ang isang araw, nandito na kami sa battle field. "Waa~, di ko inaasahan na mabibigyan ako ng malaking chance para durugin si Vann" napabuntong hininga ako dahil sa sinabi ni Celia. "Hindi na e-epekto ang plano natin, kaya sa pagkakataon na 'to... kailangan na nating pabagsakin ang kalaban mismo" sabi pa ni Pres at nilingon niya ako bigla, "Si Karim nga pala?" "Kahapon ko pa siya hindi makita" mahinang sagot ko. "Hmm? Nasa kwarto lang naman ako maghapon" nilingon namin si Karim na basta-basta nanamang lumilitaw sa tabi namin. "Wala ka sa kwarto mo...!" sabi ko sa kanya ng mahina pero papataas na tono. "Hm? Baka ibang kwarto ang napasukan ko" "K-Karim..!" nagulat ako sa pagpatong niya ng kamay niya sa ulo ko, "Inaalis ko lang ang kaba mo" Pero dahil sa sinabi niya, parang lalo akong kinabahan dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. "H-hindi ako kinakabahan" "Good" Matapos nito, nagsimula ng mag-announce ang pagsisimula ng laban "Simulan na ang laban!" Wala pang ilang segundo, matapos mag-announced ng announcer... may lumipad na na apat na arrow pa-aataki samin. Lahat nakasakto ang posisyon paataki isa-isa sa'min. Iniwasan namin 'tong tatlo nila Eugene at Celia, habang ang ipinagtataka ko ay ang hindi pag-iwas ni Karim. Kaunting distansya lang ang layo ng arrow sa pisngi niya na halatang alam niya kaya hindi niya iniwasan. "Haha, isang bow lang tayo habang sila... apat na bow ang pinili? Hindi ba parang nasa disadvantage tayo?" nakangiti pero kinakabahang sabi ni Celia. "Bago tayo ng plano. Dahil ikaw Leerin ang may hawak ng bow, ikaw ang sa defense at kapag nakahanap ka ng chance, maghanda ka para sa offense. Protektahan mo siya, Celia. Kami ang bahala ni Karim sa offense. Nasa disadvantage sila kapag close-combat na" bago pa kami makapag react ni Celia, sumugod na sila. Pumunta sa harap ko si Celia para protektahan ako habang pinoprotektahan namin ang flag namin. Hinanda ko ang bow at arrow ko kahit na hindi ko maialis ang tingin ko kay Karim na tumatakbo kasama ni President. May apat na arow ang sumalubong sa kanila, hinawi ito ng espada ni Pres at katulad ng kanina, hindi man lang ito pinigilan ni Karim na parang alam niya na hindi ito tatama sa kanya. Mula sa dalawang naglalakihang puno, lumitaw ang dalawang A-students pero nagpatuloy parin sila Karim sa paglapit kahit na hinanda nito ang mga bow. Sa pagpatuloy nila, bago pa masugatan ni President ang kalaban, may arrow na mula sa malayo ang umataki sa kanya dahilan para iwasan niya 'to at hindi niya matuloy ang pag-ataki niya sa kalaban. Ang ibig sabihin, sinadya nilang ipakita ang dalawang A... para ipain para sa'min. "Sanay sila sa close-combat" mahinang sabi ni Celia matapos akong depensahan sa maraming arrow. Matapos ng ilang sandali, nagpatuloy ang laban gamit ang pag-iwas ng kalaban sa mga ataki nila Karim. Pero tumatagal ito dahil sa halos patas na lakas nila. Hindi nagkakalayo ang pwesto ni Pres at Karim, at may isang bagay ako na napansin, hindi nagbabago ang position nila. Lagi silang nakatalikod sa'min at lagi silang nakaharap sa lugar ng kalaban. Naiintindihan ko na, ginagamit nilang pananggalang ang mga kalaban. Hindi lang 'yon ang napansin ko, bawat ataki ng kalaban kay President.... nabablock ito ng spear ni Karim. Lumalaban si Karim habang pinoprotektahan niya si President. Dahil na kay Karim ang attention ko, napansin ko kaagad ang A student na kaninang umataki kila Karim at President. Napansin ko ang arrow na handang bitawan ng A para sa kanya. Kaagad kong hinatak ng maagi ang string, kasunod ng pagbitaw ko ng string ang pagbitaw niya. Hindi ko siya napigilan... Karim... Natamaan ko siya, pero nabitawan niya na ang arrow niya na para kay Karim. Nagulat ako nang may pwersang tinungtong ni Karim ang dalawang kamay niya para mabuhat ang katawan niya paitaas papunta sa kabilang side ng kalabang nasa harap niya, kasabay ng pag-usog nito sa katawan ng kalaban habang siya, nasa ere pa. Imbis na kanya tumama ang arrow, tumama ito sa kalaban niya. Nawala ang attention ng kalabang nasa harap ni President kaya nagamit niya 'tong chance para mapabagsak ang kalabang nasa harap niya. "Nice..! Ngayon, si Vann nalang ang natitira" salita ni Celia na nagpagising sa'kin. "Hm" Kahit ito lang... gusto ko na ako ang magpabagsak kay Vann. Nagulat nalang ako sa isang pamilyar na bigat ng kamay na pumatong sa ulo ko, "Thanks" Tiningala ko si Karim na nasa harapan ko na pala, habang si Celia kasama ni President na pasugod kay Vann na patuloy na umaataki gamit ang mga arrow dahilan para hindi makaalis si Celia at President sa likod ng mga puno. Napatingin ako kay Karim matapos niyang itaas ang kaliwang kamay ko. May mga tingin siyang puno ng tiwala. "H-hindi ko tanaw kung nasaan si Vann.." kinakabahan kong sabi. "Pero alam mo kung saan nanggagaling ang mga arrow niya" salitang nagpagising sa'kin at ngumiti siya. Binatak ko ang string. Tumingin ako ng seryoso sa harap at hinintay ang pagkakataon na hindi naman ako pinaghintay ng matagal. Paglitaw ng arrow paataki kila Celia, inadjust ko ng kaunti ang bow ko at sa likod ng mga nagtataasang d**o ko 'to tinapat at kaagad ko 'tong binitawan. "S-Sa hindi inaasahan! N-nanalo ang mga F-students laban sa mga A-students!" Hindi ko napigilan ang napakalaking ngiti sa labi ko paglingon ko kay Karim na may ngiti rin sa labi. MIGUEL'S POV "Miguel?" bago ako lumiko sa corridor, huminto ako nang makasalubong ko ang Captain. "Narinig ko na galing ka sa kwarto ko kahapon" sabi niya at hindi ko mapigilan na hindi siya tignan sa mga mata niyang seryoso rin kung tignan ako. Hindi ganito ang mga tingin niya simula nang magising siya. "Ahh, tungkol sa laban na gaganapin natin sa East Ground para sa mga estudyante. Gusto kong malaman kung gusto mo ba akong labanan kahit na wala ang mga ala-ala mo, dahil kung hindi.. si Leo ang lalaban sa'kin" Hinayaan niya akong magpatuloy na magsalita kaya nagpatuloy ako, "Magaganap ang recruitment sa East High sa East Ground. Ang priority natin ay ang mga 2nd year para mabigyan sila ng 2 years na practices and lectures para malaman ang qualification ng isang estudyante para maging isang warrior. Bago magsimula, napagdesisyonan nating mga Generals na magkaroon ng isang laban para mabigyan ng motivation ang mga estudyante" "Kung napagdesisyonan na, na tayo ang lalaban, bakit kailangan pa nating baguhin?" at iniwasan niya na ang tingin ko, "Babalik na ako sa kwarto ko" Aalis na sana siya nang lumitaw si Aliyah, "Arvin! Saan ka nanaman ba nagpunta kagabi?" "Gumawa ako ng Potion at Elixirs" sagot niya na nagparealised sa'kin. Hindi ko na maintindihan kung sino ang lalaking nasa harapan ko .. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD