LEERIN'S POV
"Hindi ka ba nagsasawang lumaban, Eugene?" nang-iinis na tanong ni Celia sa Class President pero nagbuntong hininga lang siya, "Para namang may gustong lumaban para sa section natin maliban sa'ting apat nila Karim"
Napaiwas ako ng tingin, kung hindi nangyari ang aksidente... kasama sana naming lalaban ngayon si Karim.
"Tadhana na ang naglitas kay Karim para sa kahihiyan. Paniguradong kapag nandito pa 'yon, si Vann lang ang pagtutuunan niya ng pansin at makakalimutan niya na ang team play" pang-iinis pa ni Celia na halatang para lang gumaan ang pakiramdam ko.
"Hmm? Sinisiraan mo ba ako, Celia?"
Napalingon kaming tatlo sa kanan ko matapos lumitaw ni Karim. Kahit sa hina ng boses niya, narinig namin 'to kaagad "A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Hmm, lalaban?" kunwaring hindi niya pa siguradong sagot at umiwas pa siya ng tingin.
"Nasaan si Ivan?" si President na mas inisip pa ang nawawala.
At ito namang isa, tumuro sa mga spectator. Si Ivan naman pakaway-kaway lang sa gilid habang bitbit ang malaking ngiti.
Napaface palm nalang ako dahil kay Karim.
"Hindi mo ba naiisip ang kundisyon mo?" nangiti siya na hindi ko inaasahan at pinat niya ang ulo ko na parang sinasabi niya na h'wag akong mag-alala.
Ano ba, Karim.... bakit hindi kita mapigilan.
"Sinasabi ko sa'yo, Karim. Kapag kami bumagal ng dahil sa'yo, gugulpihin kita" reklamo ni Celia.
"Alam mo na ba ang mga rules, Karim?" tanong ni Pres.
Tumango naman itong si Karim, "Ang bracelet na nakasuot sa kanang kamay mo. 'Yan ang pumipigil sa Mana mo. Sa laban na 'to, physical strength lang ang labanan"
"At ang kalaban natin ngayon, ay ang mga E students" puno ng excitement na sabi ni Celia, "Sa oras na matalo natin sila, makakalaban natin ang nanalo sa laban between sa C and D"
"Hmm, tatlong laban..." rinig kong bulong ni Karim at sa paglingon ko sa kanya, seryoso siyang nakatingin sa flag namin.
Bago ko pa siya matanong, nagsimula na ang announcer, "Simulan na ang Laban!"
"Karim, bakit sa dinami-rami ng armas na pwede mong piliin, bakit spear pa?" tanong ni Celia.
"Ito ang pinili ni Ivan" tipid niyang sagot.
"Haaa.."
"Karim, naaalala mo ba ang plano?" tanong ni Pres.
"Ha?! Baliw ka ba, Eugene. Kung tayo nga hindi niya maalala, 'yung plano pa kaya?" pangunguna naman ni Celia.
"N-Nagbabakasakali lang naman...."
Sa pagtayo namin sa harap ng flag, siyang pagtahimik ng paligid, "Mga C-Ranked narin ang mga E, mag-iingat kayo" paalala ko naman.
"Hah, nangangati na ang mga kamay ko" excited na sabi ni Celia at hinanda na niya ang espada niya.
"Simulan na natin 'to" pangunguna ni Pres at naghanda narin ako.
KARIM'S POV
Kailangan kong makaisip ng paraan para malusutan ang problema ko na 'to. Hindi nila maaaring malaman na hindi ako sanay humawak ng armas.
Sa oras na malaman nila, malalaman din nila na hindi ako ang totoong Arvin Boreanaz.
Hindi ako marunong lumaban gamit ang sandata lang.... umaasa lang ako sa Mahika para sa laban! Mahika lang ang pinagtuunan ko ng pansin buong buhay ko.
Sobrang magkasalungat ng buhay namin ni Arvin Boreanaz, siya namuhay ng malakas kahit walang Mahika sa katawan... habang ako, nabuhay na mahina pero tanging Mahika lang ang inaasahan.
"Arvin...!" napalingon ako kay Aliyah dahil sa napalakas niyang pagtawag sa'kin.
"Okay ka lang ba?" dugtong niya.
"Kanina pa wala ang focus mo sa meeting" Seryoso pero nag-aalalang tanong ni Leo.
"H-hindi lang maganda ang pakiramdam ko..." pagsisinungaling ko dahil hindi ko alam kung paano ko matatakasan ang tanong nila.
"Mabuti pa, bumalik ka na muna sa kwarto mo" pag-aalala ni Aliyah.
Nilingon ko silang tatlo nila Miguel, "P-pero napakaimportante ng meeting"
Ngumiti si Aliyah, "Pero mas importante ang kalusugan mo, Arvin. Kami na ang bahala dito"
Wala akong nagawa kung hindi ang bumalik sa kwarto ko. Pero may isang bagay akong pinag-aalala, ang mga tingin ni Miguel sa'kin.... kakaiba 'to.
Napadukdok ako sa unan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal.
Kung gusto kong manatili sa ganitong buhay, kung gusto kong manatili sa ganitong katawan.... kailangan ko ng kakampi.
Pero sino?
Sino ang taong papayag na angkinin ko ang katawan at buhay ng isang Arvin Boreanaz?
ARVIN'S POV
Sapat na ang tatlong laban, matapos nito, magagamit ko na ang abilidad ng katawan na 'to para malaman ang katotohanan.
Hinawi ko paikot ang spear na hawak ko para mablock ang dalawang arrow. Pagkablocked ko nito, siyang pagbalik ko sa position ko at hindi kalayuan... sa likod ng naglalakihang mga puno, nanduon ang dalawang kalaban.
"Karim, katulad ng nasa plano. Kaming dalawa ni Eugene ang sa offense. Kayo na bahala ni Leerin sa defense" paalala ni Celia bago sila sumugod ni Eugene.
"Sigurado ka bang okay ka na, Karim?" nag-aalalang tanong ni Leerin.
Tumango ako at pinilit kong ngumiti kahit na alam kong hindi siya nakatingin, "Okay lang ako, Leerin"
Napansin ko na diresto siyang nakatingin kay Eugene at Celia na pasugod sa mga kalaban. "Nag-aalala ka ba sa kanila?" mahinang kalmadong tanong ko.
"Sa oras na matalo tayo, hindi natin makakalaban ang section nila Vann. Hindi ko sila mapapatawad dahil sa ginawa nila sa'yo"
Ramdam ko sa boses niya ang pag-aalala at nakuha naman ng attention ko ang hawak niyang bow.
"Gusto mo bang tapusin na ang laban?" tanong na naging dahilan para lingunin niya ako.
"Sa laban na 'to, kahit hindi bumagsak ang kalaban pwede tayong manalo" pumunta ako sa likod niya at marahang itinaas ang kaliwang kamay niyang may hawak sa bow. Iniharap ko ito patapat sa position nila Eugene at Celia na nakikipaglaban sa mga E-students.
Hindi siya tumitinag kaya kahit ang paglalagay ng arrow ay ako narin ang gumawa, kahit ang pagbatak ng string ng arrow, sabay naming ginawa. Binatak namin ito ng sobra dahil sa layo ng target namin.
"Hindi mo kailangan pabagsakin ang kalaban. Ang kailangan mo lang ay pabagsakin ang flag nila" pagkabitaw ng kamay namin sa string siyang pagsalubong ng tingin namin.
"A-At ang nanalo ay ang F-Class! Napabagsak ng mga F-Class ang Flag ng E-Class gamit lang ang isang arrow! Hindi tumagal ang laban ng limang minuto at natalo ng mga F-students ang mga E-students!" hindi makapaniwalang announcement ng announcer.
Ngumiti ako kay Leerin na nagtataka paring nakatingin sa'kin, "Tatalunin natin ang mga kalaban, Leerin. Pangako ko 'yan"
Ang kaninang puno ng kaba at bahalang mga mata niya, ay biglang nagliwanag na hindi ko inaasahan.
Sa mga sumunod na laban, hindi na namin tinarget ang kalaban kung hindi ang mga flag lang nila habang ang naging trabaho ni Celia at Eugene ay kunin ang attention nila gamit ang close-combat. Sa paraan na 'to, mas napadali ang pagkapanalo namin. Gwardyado man o hindi, kasabay ng nagbabantay nito ang pagbagsak ng mga flag nila.
"Hmm, hindi ko inaasahan na tayo rin pala talaga ang maghaharap sa dulo" parang nang-aasar pang sabi ni Vann.
"Sinabi ko na hindi ba, na magkita nalang tayo sa battle field. Sisiguraduhin kong pagsisisihan niyo ang mga sinabi niyo tungkol kay Karim" matapang naman na sagot ni Leerin.
"Kung ganuon, may isang araw pa kayo para paghandaan ang laban natin. Magpapahinga na kami, iyon lang ang kailangan naming gawing paghahanda para sa laban natin" at tinalikuran na nila kami.
Simula nang magising ako bilang Karim, si Leerin ang tipo ng taong hindi ko pa nakikitang ngumiti. Mga ngiti ng mga tao ang isa sa mga gusto kong protektahan.
Poprotektahan ko 'to kahit anong anyo pa mayroon ako.
KARIM'S POV
Sa kakaisip ko ng kung ano-ano, hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising nalang ako bigla sa pagkatok ng mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.
"Captain, ako 'to... si Miguel"
Napalingon ako sa orasan, anong dahilan ng pagpunta ni Miguel ng ganitong alanganing oras?
To be continued ...