CHAPTER 1: LEARNING THE OTHERS LIFE

1243 Words
ARVIN'S POV Dahil sa mga nangyari, hindi ako nakapagpahinga ng maayos. Kasunod ng pagdaan ng hangin, napabuntong hininga ako. Hindi ko nilingon ang isang presensyang nasa likod ko. "A-ano ka ba, Karim. Bakit hindi ka nagpapahinga sa kwarto mo?" Kumuha ako ng lakas para lingunin si Leerin na habol-habol pa ang hininga niya. "Leerin, nasaan tayo?" mahinang tanong ko dahil puro puno ang nasa paligid. At hindi kalayuan, ramdam ko ang nagtitipon na mga tao. "Nasa East Ground parin tayo. Hindi kalayuan, nanduon ang Academy. Nandito lang tayo dahil sa camp" East Ground... 200 kilometers ang layo namin sa Capital. "Camp para saan?" "Camp ng mga 2nd Year ngayon. Dahil 8 months from now, magsisimula ang recruitment ng mga warrior. Kailangang matest ang mga abilities ng mga 2nd Year" Recruitment, si Leo ang naka assigned para dito. Magtatagpo at magtatagpo rin pala talaga ang landas namin. Pero kailangan ko silang unahan. "May activity ba ngayon?" "Gusto mo bang manuod? Archery ang activity ngayon" Archery... hindi ako interesado pero wala naman akong magagawa dito. KARIM'S POV "Hindi ka ba curious kung anong Unique Skill mo?" tanong ni Aliyah. "Swordmanship, hindi ba?" at natigil siya saglit sa paglalakad kaya napatigil din ako. "Hmm? Hindi mo nakalimutan?" Wala akong nakalimutan, sadyang may mga bagay lang talaga na hindi ko alam at mga bagay na alam ko. "Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling sa pagkakaroon ng amnesia para pagtripan kami, Captain" at nilampasan na kami ni Miguel sa paglalakad. "Okay lang bang wala ka sa kwarto mo?" tanong naman ni Leo na nasa likod narin pala namin. Sinubukan kong ngumiti kasi nanginginig ang baba ko dahil sa sinabi ni Miguel at tumango ako, "P-pinayagan na akong maglakad-lakad" "Mabuti kung ganuon" Nagpatuloy na kami sa paglalakad pero may isang tanong ang dumapo sa isip ko. "Ginagamit ko ang lahat ng klaseng weapon, p-pero bakit hindi ako gumagamit ng mga ranged weapon?" Napansin ko ang malungkot na ngiti na nabuo sa mga labi ni Aliyah, "Dahil sa mga gray mong mga mata" Nilingon niya ako, "Dahil malabo ang mga mata mo, Arvin" Huminga siya ng malalim bago dugtungan ang sinabi niya, "Pero one time, nung time na nasa front line tayo. Niligtas mo ako gamit ang bow" "P-paano?" "Hindi mo man sila natatanaw, nararamdaman mo parin ang presensya nila. 'Yan ang reason na binigay mo sa'min" sagot ni Leo. Nararamdaman ang presensya? ARVIN'S POV Ang nadatnan namin, naglalaban na ang 5 sections. "Yo, Karim! Kanina mo pa pinag-aalala si Leerin" sigaw ni Celia na nakaupo sa isang upuan na sa tabi ay dalawang vacant chair. "Section F tayo, Karim. Si Eugene ang representative ng section natin, ang Class President" Nilingon ko ang Eugene na sinasabi ni Leerin. Sakto namang handa na siyang tumira ano mang oras. Pero ang form ng kamay niya, hindi niya tatamaan ang target. Katulad ng nasa isip ko, hindi niya natamaan ang target. Matapos niya, naghanda na para sa susunod na round. Isa-isa kong tinignan ang mga kamay nila kahit may kalayuan sila sa pwesto namin. Matatalo ang section namin sa laban na 'to. Mga bihasa sa paggamit ng bow ang mga ibang representative. Bakas ito sa mga kamay at form nila. Muli kong tinignan ang representative ng section namin. Pero ang representative na 'to, nag-aadjust siya every time na binibitawan niya ang string ng bow. "Ano ang susunod na activity?" sinalubong ko ang tingin ni Leerin. "Capturing The Flag" hmmm, sa pagkakatanda ko, 4 members ang participants sa game na 'to. Ang kailangan mo lang ay makuha o mapabagsak ang flag ng kalaban. "Sino ang mga player?" "Hihi, kailangan pa bang tanungin 'yan, Karim? Participant kami ni Leerin. Kung hindi ka naaksidente, kasama ka sana naming lalaban" pagmamalaki ni Celia. "Oh..." simpleng sagot ko kaya halos mabatukan na ako ni Celia, "Ano bang klaseng response 'yan, Karim?!" "Bakit hindi pa kayo maghanda?" "Para saan pa, matatalo rin naman ang mga F. Masyado bang naalog ang utak mo, Karim? HAHAHA" Sabi ng estudyante na nasa likuran namin. "M-mga section A....." bulong ni Leerin. "At kayo, mga section F... Mga Failure" mag paturo pa na sabi nila. "Tatandaan ko ang mga mukha niyo. Sa oras na magkaroon ako ng chance para bugbugin kayo, h'wag na h'wag niyo akong sisisihin kung mapapatay ko kayo" nanggagalaiting sabi ni Celia at ramdam na ramdam ko 'to sa aura niya. "HAHAHA!" pagtawa ng A student at mabilis na nagbago ang expression ng mukha niya pagtingin niya kay Celia, "Kung ganuon, wala ka ring karapatan na sisihin kami sa oras na mapatay ka namin" Pinag-uusapan nila ang pagpatay na parang simpleng bagay lang 'to. "Hindi gumagamit ng Magic at Mana sa paglaro ng Capturing the Flag, ang hina mo na nga sa paggamit ng Mahika at Mana, paano pa kaya kung simpleng sandata lang ang hawak mo? HAHAHA, h'wag kang manghahamon na parang kaya mo kami, isa ka lang failure" dugtong ng isang lalaki. "Namumuro ka na sa'kin, Vann" puno ng tapang naman na pagbabalik ng salita ni Celia. "Magkita nalang tayo sa battle field, failure" at handa na silang talikuran kami nang magsalita si Leerin. "Hindi ka man lang ba magpapasalamat kay Karim?" mahinang tanong niya pero kahit sa hina ng boses niya, ramdam ko ang galit niya. "Kung hindi dahil kay Karim, hindi na sana kayo buhay ngayon" dugtong niya. "Mabubuhay kami kahit wala siya" matapang na pagbabalik nung Vann at napansin ko ang pagkabigla ni Leerin sa sagot niya. Handa na sana akong magsalita nang magsalita pa si Leerin, "Kung ganoon, sa battle field nalang natin ipagpatuloy ang usap na 'to" Lumaki ang malademonyong ngiti ni Vann bago nila kami talikuran. "Sisiguraduhin kong dudurugin ko ang bungo ng lalaking 'yon" sabi pa ni Celia. Hindi ko maialis ang tingin kay Leerin, katulad niya si Aliyah, hindi ko magawang magalit para sa sarili ko, hindi ko magawang protektahan ang sarili ko, kaya siya ang nagagalit at nagpoprotekta para sa'kin. Pinat ko ang ulo ni Leerin na hindi niya inaasahan, "H'wag kang mag-alala, mananalo tayo" iniwan ko siyang nagtataka. "Saan ka pupunta?" "Restroom" may ngiti ko silang tinalikuran. Umalis ako sa napakaraming tao at humanap ako ng tamang tao. Hindi kalayuan, nakakita ako ng isa. "Excuse me po" nilingon niya ako. "Oh, Karim. Pinayagan ka na ba ng nurse na lumabas?" kilala niya ako. Tumango ako, "Ah, sa pagkakaalala ko, napuruhan ang ulo mo na naging dahilan para maapektuhan ang isip mo. Ako si Mr. Averil, ang naka-assigned para sa section niyo" Tama na siya ang lapitan ko. "Kung ganuon po, Mr. Averil, sa tingin ko po ay may list kayo ng mga F students. Gusto ko pong makita ang Student Profile ng mga kaklase ko kabilang ang sariling profile ko" Kung gusto ko silang protektahan, kailangan ko munang kilalanin ang sarili ko. Wala man ako sa totoong katawan ko, hinding-hindi ko makakalimutan ang pakiramdam sa isang laban. Ako parin 'to kahit wala ako sa totoong katawan ko, poprotektahan ko ang mga dapat kong protektahan. KARIM'S POV Kahit nasa katawan ako ng pinakalamakas na warrior sa buong mundo, hindi maitatangging mahina parin ako. Ang Mahika, nakabase ang lakas nito sa Mana Control na nagsisilbing gasulina para makapaglabas ng Mahika. Wala akong pinagkaiba sa isang Legendary Sword na pinahawak sa isang paslit. Ang isang Legendary Sword, maaaring maging isang simpleng espada lang. Sa madaling salita, sa panglabas kong anyo, kilala akong pinakamalakas na warrior... habang sa loob, isa akong mangmang na walang alam sa totoong laban. To be Continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD