“Ate, okay ka lang po ba? Bakit kahit nakangiti ka parang iba ang sinasabi ng mga mata mo? Mukha kang malungkot,” puna ni Kate na matamang nakatitig sa akin. “Malungkot ka diyan, hindi kaya!” Tanggi ko kahit na ang totoo ay gusto ko nang umiyak at yakapin siya para mabawasan ang bigat ng dibdib ko. “Kumusta na nga pala kayo dito? Si Helen, pinapahirapan ka pa ba niya?” “Okay naman kami, Ate. Hindi na ako gaanong napapagod sa paglalaba ng mga damit kasi bumili siya ng washing machine at dryer. Siya na ang naglalaba ngayon. Magmula nang ikasal ka naging maayos na ang trato niya sa akin kahit papaano.” Masaya ako na naging maayos na ngayon ang trato ni Helen kay Kate. Sana ay hindi na ulit sila magkagulo dito sa bahay. “Magandang gabi po,” nakangiti at magalang na bati ni Lufer nang

