KABANATA 30

1062 Words

“Ikaw dapat ang nag-aasikaso sa akin, Angeli. Hindi ang ibang babae,” mariing sambit ni Lufer pag-akyat namin sa kwarto. “Tumulong akong magluto ng almusal, sapat na siguro ’yon. At saka, siya naman ’tong nagpumilit na lagyan ng pagkain ’yong pinggan mo,” pangangatwiran ko. “Kahit na! Huwag mo siyang hayaang unahan ka! Ikaw ang asawa ko kaya pagsilbihan mo ako!” “Hindi ko naman ginusto na magpakasal sa ’yo! Tinakot mo ako kaya ako napilitang magpakasal sa iyo kahit hindi naman kita mahal!” Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. “Wala akong pakialam kung mahal mo ako o hindi. Basta gawin mo ang obligasyon mo sa akin bilang asawa!” “Aray! Ano ba! Bitawan mo mga ako!” Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya. Marahas niya akong itinulak sa kama at agad siyang kumubabaw sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD