“B-Bakit ka nandito?” Dumoble ang kaba sa d*bdib ko. Isinara niya ang pinto at naglakad palapit sa akin. Unti-unti akong napaatras. Naghagilap ako ng bagay na puwedeng ipanglaban sa kaniya pero wala akong makita. “Relax! I won’t hurt you. Pinasusundo ka ni Anton. Hindi siya makakarating dahil may inaasikaso pa siya.” Nakataas ang dalawang kamay na pagbibigay-alam niya. “Hindi ako naniniwala sa ’yo! Kaibigan ka ni Lufer. Kukunin mo ’ko at ibibigay sa kaniya,” nahihintakutang sambit ko. Patuloy ako sa pag-atras. Siya naman ay patuloy sa pag-abante palapit sa akin. Nahinto lang ako nang dumikit na ang likod ko sa malamig na pader. “Wala na tayong oras, Angel! Kapag hindi ka pa sumama sa akin baka hindi na ulit kami magkaroon pa ng pagkakataong maitakas ka dito.” Napahilot siya sa si

