“Hintayin mo ako mamaya, Eli. Pupuntahan kita diyan.” Napangiti ako matapos kong basahin ang text ni Tony. Kanina pagkatapos kong magbunot ng mga damo sa taniman ay may palihim siyang inabot sa kamay ko. Pag-akyat ko sa taas ay nakita kong cellphone number pala niya. Nag-text agad ako at nagpakilala. Pagkatapos kong magpababa ng kinain namin sa hapunan ay excited akong umakyat sa kwarto at naligo. Kinuskos kong maigi ang katawan. Alam kong mali ang ginagawa namin pero wala akong pakialam. Mahal namin ang isa’t isa. Kami ang totoong nagmamahalan. Napilitan lang naman akong magpakasal kay Lufer dahil sa mga pagbabanta niya. At alam kong ginagamit niya lang ako para bumango ang pangalan niya sa mga tao para siya ang iboto ngayong darating na halalan. Kahit kulang ako sa tulog kagabi ay

