“Kahit naman anong paliwanag ko sa ’yo pag-iisipan mo pa din ng masama kami ng pamilya ko. At kagaya nga ng sinabi ko, hindi mo pera ang ginastos para sa bahay na ipinagawa para sa amin,” kalmado pa ring sambit ko. “Ikaw!” Namula ang mukha niya sa galit. Humakbang siya palapit sa akin at itinaas ang isang kamay upang sampalin ako. Iniharang ko ang kaliwang kamay sa aking pisngi. Pumikit ako at ipinaling ang ulo. Hinintay kong dumapo ang palad niya pero hindi nangyari hanggang sa magsalita si Lufer. “Sa susunod na pagtangkaan mo ulit na saktan ang asawa ko ay palalayasin na kita dito sa bahay ko at hinding-hindi ka na kailan man makakatapak sa aming lugar,” mariin at may nagbabadyang panganib sa tinig na babala ni Lufer kay Ma’am Liana. Ibinaba ko ang kamay at agad na tumingin sa kan

