“Good morning, Ate Wena! Bakit ang daming bodyguards ngayon?” may pagtataka sa boses na tanong ko kay Ate Wena pagpasok ko sa kusina. Nagising akong wala na si Lufer sa tabi ko. Balak ko sanang magpaaraw sa may terrace ng kwarto namin kanina pero pagtingin ko sa ibaba ay napakaraming lalaki ang nakakalat sa buong paligid kaya hindi ko na itinuloy ang plano. “Good morning din!” ganting bati niya sa akin saka ngumiti. “Malapit na kasing magsimula sa pangangampanya si Senyorito Lufer. Noong nakaraan hindi ko sinasadyang marinig ang pag-uusap nila ni Don Lucio. Sinabi niya kay Senyorito na dapat daw na mag-hire na sila ng karagdagang bodyguards para daw dagdag proteksiyon kapag nangampanya na,” tugon ni Ate Wena. “Ah, kaya pala,” tumatangong sambit ko. Umikot ako sa upuang nasa harap n

