KABANATA 10

1063 Words
“Sir, pwede ko po ba kayong makausap?” Lakas- loob na lumapit ako kay Sir Orson habang nakatambay siya sa gazebo at nagpapatugtog ng gitara. Gustong gusto ko siyang bulyawan at s*mpalin. Nang dahil sa kabastusan niya ay napagalitan ako ni Donya Clara. “Yeah, sure. What is it, Angel?” nakangisi niyang tanong sa akin. Inilapag niya ang gitara sa lamesang yari sa narra. “Huwag n’yo na po sanang uulitin pa ang ginawa ninyo kanina. Ayaw ko pong matanggal sa trabaho nang dahil po sa kalokohan ninyo. Respetuhin n’yo naman po ako bilang babae.” Matapang kong sinalubong ang tingin niya. “’Yong paghipo ko ba sa hita mo? Bakit, may magagalit ba? Do you a boyfriend already?” Malisyoso niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Uminit ang ulo ko sa tanong niya. “Bakit, kapag ba wala akong boyfriend hindi mo na ako rerespetuhin? Gagawin mo na ba ang gusto mong gawin sa ’kin, ha?” Tinapunan ko siya ng nag-aalab na tingin. “Hey, hey! Easy ka lang, okay? I’m sorry for what I did to you earlier.” Itinaas niya ang dalawang kamay na animo’y sumusuko. Ngunit ilang sandali ay inilapit niya ang mukha sa akin. “Pero kung gusto mo naman, pwede mo akong maging FuBu habang nakabakasyon ako dito.” Sa sobrang lapit ng mukha niya ay nalalanghap ko na ang mabangong hininga niya. Umatras ako ng bahagya. Umigkas ang kanang kamay ko at malakas na sinampal ang pisngi niya. Bumakat ang palad ko sa kaniyang pisngi sa lakas ng pagkakasampal ko. “Whoa! Did you just slap me?” natatawang tanong niya. Hinawakan niya ang kaniyang panga. “Hindi ako hihingi ng tawad sa pagsampal ko sa ’yo. Hindi lang ’yan ang aabutin mo sa ’kin sa oras na bastusin mo ulit ako. Hindi ibig sabihin na mapera ka ay pwede mo nang gawin ang gusto mo,” mariing bigkas ko. Tinalikuran ko siya na nakahawak pa din sa kaniyang panga. Sa pagpihit ko ay bahagya akong napatalon sa gulat nang nanlilisik na mga mata ni Senyorito Lufer ang nabungaran ko. Kasama niya ang kaniyang girlfriend at nakapulupot na naman sa braso niya ang braso nito. Ginawaran niya ako ng matamis na ngiti nang dumako ang tingin ko sa kaniya. Tipid akong gumanti ng ngiti sa kaniya at napayuko. “Ano ang nangyayari dito?” tanong ni Senyorito Lufer. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Sir Orson. “Nothing, dude. May itinanong lang ako kay Angel.” Inakbayan niya ako at pinisil ng mahina ang balikat ko. “Is that true, Angeli?” nagdududang tanong niya sa akin. “O-Opo, Senyorito,” nauutal na sagot ko. Umaliwalas ang mukha niya pagkarinig sa isinagot ko. “Sabi sa ’yo, dude. Mabait kaya ako.” Dumako ang tingin niya sa akin sabay kindat. “S-Sige po, may gagawin pa ho ako.” Yumuko ulit ako at dali- daling pumasok sa mansiyon. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao pagdating sa kusina dahil sa pagpipigil ng galit. Uminom ako ng tubig upang pakalmahin ang sarili. “Oh, Angeli, bakit parang hinihingal ka?” usisa ni Aling Sonia pagpasok niya sa kusina. “Wala ho ito, Aling Sonia. Huwag n’yo na lang po akong pansinin.” “Tungkol nga pala sa nangyari kanina, sa susunod mag-iingat ka na, ha? Mabait si Don Lucio, pero istrikta kasi si Donya Clara kaya doble ingat dapat tayo, ha?” halos pabulong na bigkas niya habang nakatingin sa pintong dinaanan niya kanina. “Opo, Aling Sonia. Napagalitan din po ba kayo?” nag-aalalang tanong ko sa kaniya. “Oo pero sanay na ako sa kaniya. Hindi naman niya ako basta-basta mapapaalis dito. Ikaw ang inaalala ko.” “Mag-iingat na po ako sa susunod.” Hindi ko na sinabi sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit ko natapunan ng juice si Don Lucio. Ayaw kong mag- alala pa siya sa akin. “Aray!” daing ko nang akmang tatayo ako sa kama kinaumagahan. Muli akong napaupo sa kama at sinapo ang bandang ibaba ng aking puson. Mahapdi ang pagitan ng mga hita ko. “Bakit ang sakit? Ano ba ang nangyari sa akin at mahapdi ang pagkab*bae ko? May nanamantala ba sa akin? May nakapasok ba sa kwarto ko?” magkakasunod na tanong ko sa sarili. Tiningnan ko ang damit ko kung nag-iba ba ang pagkakasuot ko pero ganoon pa din naman. Dahan-dahan akong tumayo. Tinungo ko ang pinto upang tingnan kung naiwan ko bang nakabukas pero naka-lock pa din. Lumapit ako sa bintana. Binuksan ko ang sliding window at sumilip sa labas. “Imposible naman sigurong may makapasok dito kasi may bakal naman?” Hinawakan ko ang bakal at inuga- uga ko pa upang siguruhing matibay nga at hindi basta-basta natatanggal. Bumalik ako sa kama at naupo ulit. Inalala ko ang mga nangyari kagabi. Bago ako pumasok sa kwarto ay nagtimpla muna ako ng gatas, ininom ko iyon pagkatapos kong maglinis ng katawan. Hinugasan ko pa muna iyon. Siniguro kong naka-lock ang pinto bago ako nahiga at natulog. Mahimbing ang tulog ko kagabi, wala din akong naramdaman kung may nakapasok nga dito sa kwarto ko. “Ano ba ’yan!” Napahilot ako sa sintido. Nananakit na tuloy ang ulo ko sa kaiisip. “Wala naman sigurong nakapasok dito kagabi. Baka dala lang ng ginawa ni Sir Orson kaya kung anu- ano na lang ang naiisip ko.” Nagkibit balikat ako at tumayo. Kumuha ako ng towel at tinungo ang banyo upang maligo. Nabawasan ng kaonti ang kirot na nararamdaman ko pagkatapos kong maligo. “Oh, ano ang nangyari sa ‘yo? Bakit ganiyan ka maglakad? May sugat ka ba sa paa?” tanong ng isa naming kasamahan na si Ate Sabel. Siya ang nakatoka sa paglalaba, katuwang niya ang kaniyang asawa. Napatingin sa akin ang iba naming kasamahan na nakaupo na at nag-aalmusal. Kailangang pagpatak ng alas singko ay nasa hapag na kami lahat upang mag-almusal. Nauuna kaming mag-almusal sa mga amo namin. ’Yon ang isa sa patakaran ni Don Lucio. Kailangang busog kami bago magsimulang magtrabaho upang mapagsilbihan daw namin sila nang maayos. “Oo nga, medyo paika-ika ka maglakad,” segunda naman ni Ate Wena. “A-Ano kasi, may pigsa ako sa singit,” pagsisinungaling ko sabay yuko. Hindi na nila ako muling tinanong pa. Matapos naming mag-almusal ay ginawa na namin ang mga tungkuling nakaatas sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD