“Heto, suweldo mo. Dinagdagan ko na ’yan. Huwag mong susubukang tumakas, alam mo na ang mangyayari sa kapatid mo,” sambit ni Senyorito Lufer. Hinagis niya sa kama ang ilang lilibuhing perang papel.
Bukas na dapat ang huling araw ko sa trabaho. Pero habang kumakain sila kagabi ay kinausap niya ang kaniyang mga magulang na ayaw niya akong payagang umalis.
Siya daw ang pinagsisilbihan ko kaya siya daw ang magdedesisyon kung papayag daw ba siya o hindi. Nanlumo ako nang sumang-ayon sa kaniya si Don Lucio at pinakiusapan ako.
Bakas naman sa mukha ni Donya Clara ang pagtutol pero hindi niya magawang kontrahin ang desisyon ng mag-ama niya.
“P-Parang awa mo na po, Senyorito. Kailangan ako ng kapatid ko. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo isusuplong sa pulis,” pagmamakaawa ko.
Natawa siya ng pagak. “Kahit naman magsuplong ka, walang maniniwala sa ’yo. Kaya siguraduhin mong babalik ka dito sa lunes. Dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari sa kapatid mo.”
Nagsindi siya ng sigarilyo. Napaubo ako nang malanghap ko ang usok. Kaswal siyang nakaupo sa kama na para bang wala siyang pakialam kahit pa nakabalandra sa akin ang hubad na katawan niya. Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at pinukol siya ng masamang tingin.
“Ano pa ba ang gusto mo! Nakuha mo na nang paulit-ulit ang katawan ko ’di ba!” bulyaw ko sa kaniya.
Matalim ang mga mata na nagbaling siya ng tingin sa akin at mariing hinawakan ang panga ko.
“Kaya nga binigyan kita ng contraceptive pills noong nakaraan, ’di ba? Ibig sabihin wala pa akong balak na pakawalan ka! Kaya huwag mo ’kong kinukulit!” singhal niya sa mukha ko.
Dinoble niya ang sahod ko. Ayaw ko mang kunin dahil tila ba pahiwatig iyon na kabayaran niya sa pangbabab*y sa akin pero kinuha ko pa rin. Wala din naman akong magagawa upang takasan siya.
Marami siyang koneksyon, kahit anong pagtakas o pagtago ang gawin ko ay wala din namang magiging silbi. Ayaw ko ding mapahamak ang kapatid ko.
“Uuwi ka ba ngayon?” tanong ni Ate Wena nang pagbuksan ko siya ng pinto.
Naghahanda na ako sa pag-uwi sa amin.
“Opo, Ate. Pasok ka po.” Nilakihan ko ang bukas ng pinto upang makapasok siya.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko.
Muling tumulo ang luha sa pisngi ko. “H-Hindi po, Ate. Pero wala naman akong magagawa, eh. Kailangan kong isakripisyo ang sarili kaysa kapatid ko ang gawan niya ng masama.”
Ikinulong ako ni Ate Wena sa mga bisig niya. “Huwag kang mag-alala, makakatakas ka din dito balang araw. Basta ingatan mo lang na hindi ka niya mabubuntis, ha?”
“Opo, Ate. Ayaw kong magkaroon ng anak na galing sa kampon ng d*monyo.”
Bago tuluyang umuwi sa amin ay bumili muna ako ng cellphone ni Kate. Nag-grocery na din ako para sa bahay.
“Wow! Thank you, Ate! The best ka talaga! Tinupad mo talaga ’yong sinabi mo na bibilihan mo ako ng cellphone,” masayang sambit ni Kate at niyakap ako ng mahigpit.
“Walang anuman, bunso. Ikaw pa, malakas ka sa ’kin, eh!” naluluhang saad ko.
Masaya ako sa nakikitang tuwa sa maganda niyang mukha. Maisip ko pa lang na sa mura niyang edad ay lalap*stanganin siya ni Senyorito Lufer sa oras na tumakas ako ay para nang pinipiga ako dibdib ko.
“Tawagan mo po ako parati ha?” May pagmamadaling binuksan niya ang maliit na kahon.
“Sige, save mo na agad ang number ko. Magvi-video call ako lagi sa ’yo. Basta, huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo, ha?” Paalala ko sa kaniya.
“Oo naman po! Mas lalo pa nga akong sisipagan nito kasi kailangan kong suklian ang pagod mo sa pagtatrabaho,” malapad ang ngiting tugon niya sa akin.
Hindi pa ako naliligo kinabukasan ay dumating si Senyorito Lufer kasama ang ilan sa mga tauhan niya.
“Good morning, Angeli! May mga dala pala akong prutas, groceries at isang sakong bigas para sa inyo,” sambit niya habang pinagmamasdan ang ilan sa mga tauhan niya na naghahakot ng mga dala umano niyang groceries.
Napakaamo ng mukha niya na akala mong walang ginagawang kalokohan sa ’kin.
“M-Magandang umaga din po, Senyorito Lufer. Hindi na po sana kayo nag-abala pa,” tugon ko.
“Dati naman akong nagdadala ng mga ganiyan dito noon ’di ba? Hindi mo nga lang tinatanggap. Pero siguro naman tatanggapin mo na ang mga ibibigay ko sa ’yo ngayon?” makahulugang sambit niya.
“Oo nga naman, Angeli. Nagmagandang loob na nga itong si Senyorito Lufer tapos tatanggihan mo pa. Masama ang tumanggi sa grasya!” sabat naman ni Helen na kalalabas lang galing sa kwarto nila ni Papa.
Pinapungay niya ang mga mata habang mapang-akit na nakangiti kay Senyorito Lufer. Hindi man lang siya nag-abalang palitan muna ang damit niyang pangtulog.
Kitang-kita ang tuktok ng korona niya na tayong-tayo. Lalo niyang iniliyad ang dibdib nang bumaling sa kaniya si Senyorito Lufer.
“Hindi pa nga pala ako nakapagpakilala sa ’yo, Senyorito. Ako nga pala si Helen, Helen Garik. Ako ang bagong asawa ni Angelo.” Inilahad niya ang kamay sa binatang amo ko.
Agad namang tinanggap ni Senyorito Lufer ang kamay ni Helen. Inabot ng ilang segundo bago bitawan ni Helen ang kamay ni Senyorito Lufer, hinaplos pa niya ang kamay ng huli bago tuluyang bumitaw.
“Magandang umaga ho, Senyorito. Narito po pala kayo.” Kalalabas niya lang galing sa banyo.
Napalingon kami kay Papa nang magsalita siya. Nakasuot na siya ng damit na sinusuot niya tuwing namamasada. Nakasampay sa balikat niya ang tuwalyang ginamit habang tinutuyo ang buhok.
“Magandang umaga po! May mga dala po akong groceries dito para sa inyo,” tugon niya kay Papa.
“Maraming salamat po, Senyorito. Nakakahiya naman po, nag-abala pa kayo,” nahihiyang sabi naman ni Papa.
“Ano ka ba, mahal. Hayaan na natin si Senyorito, mukhang gusto niya ata itong dalaga natin kaya nag-e effort siya.” Lumapit si Helen kay Papa, ikinawit niya ang braso at sumandal pa sa balikat nito.
“Mahal, pakitimplahan muna si Senyorito Lufer ng kape. Maghain ka na din ng almusal natin.” Utos ni Papa kay Helen.
“Sige, ipaghahanda ko kayo.” Agad naman siyang tumalima.
“Senyorito, tamang-tama ho at mag-aalmusal pa lang kami. Sabay ho kayo sa amin.” Paanyaya ni Papa kay Senyorito Lufer.