KABANATA 20

1222 Words
“Senyorito, tamang-tama ho at mag-aalmusal pa lang kami. Sumabay na ho kayo sa amin.” Paanyaya ni Papa kay Senyorito Lufer. “Sige po, hindi ko po tatanggihan ’yan at bawal daw tumanggi sa grasya. At saka huwag n’yo na po akong i-ho, ako nga po dapat ang magbigay galang sa inyo.” Magalang na pakikipag-usap niya kay Papa. Lihim kong naitirik ang mga mata sa galing niyang magpanggap na mabuting tao. Pwedeng-pwede na siyang maging artista sa husay niyang umarte. “Naku, nakakahiya naman sa ’yo, Senyorito. Pero kung ’yan ang gusto mo, ikaw ang bahala. Tawagin mo na lang pala akong Tito para naman hindi ka mailang sa ’kin tuwing pupunta ka dito.” Dagdag pa ni Papa. “Sige po, Tito. Mas gusto ko po ’yan,” nakangiting tugon ni Senyorito Lufer. Maya-maya ay tinawag na sila ni Helen upang kumain. Gusto ni Papa na sabayan ko silang kumain pero tumanggi ako. Inuna ko muna ang maligo bago mag-almusal. Ayaw kong makasabay si Senyorito Lufer. “Iho, ikaw na ang bahala dito sa anak ko, ha? Natutuwa ako na sa inyo siya nagtrabaho, kampante ako na may mabubuti siyang amo,” wika ni Papa kay Senyorito Lufer. “Kung alam mo lang ang kah*yupang ginagawa niya sa akin, Papa. Ewan ko lang kung makapagsalita ka pa ng ganiyan,” sambit ko sa sarili. “Huwag po kayong mag-alala, maayos po ang pagtrato namin sa mga kasambahay namin. Pamilya na po ang turing namin sa kanila,” tugon naman ni Senyorito Lufer. “Mabuti naman pala kung gano’n.” “Salamat din po pala sa libreng almusal, ang dami ko pong nakain,” ani Senyorito Lufer. Hinimas-himas pa niya ang kaniyang tiyan. “Walang anuman, Iho. Nakakahiya nga sa ’yo, eh. Pasensiya na at simpleng ulam lang ang naihanda namin sa ’yo.” Hinging paumanhin ni Papa sabay kamot sa likod ng ulo. “Naku, hindi naman po ako mapili sa ulam. Sinanay po kami ni Papa na kumain ng mga simpleng ulam.” “Papa, aalis na po kami. Kailangan na po naming makabalik at nakakahiya po kay Don Lucio kung mali-late ako.” Sabat ko sa usapan nila. Napipikon na ako sa pagpapanggap niyang mabuting tao. “Sige, mag-iingat ka parati anak at alagaan mo ang sarili.” Bilin ni Papa at ninalikan ako sa noo. “Sige po, aalis na po kami.” Paalam naman ni Senyorito Lufer. Nagmano pa siya kay Papa bago kami umalis upang bumalik sa mansiyon. “Hindi n’yo naman ho ako kailangang sunduin pa sa bahay. Babalik pa rin naman ako sa mansiyon,” sambit ko na diretso lang ang tingin sa kalsada. Kaming dalawa lang ang magkasama sa kotse niya. Nasa unahan at likuran naman namin ang sasakyan ng kaniyang mga tauhan. “I know. Pero gusto ko pa ring sunduin ka. Mahirap na,” nakangising wika niya. Saglit siyang sumulyap sa akin at muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Hindi na ako muling umimik pa. “Bakit tayo huminto?” nagtatakang tanong ko sa kaniya nang huminto siya sa gilid ng kalsada. Malayo-layo pa bago namin marating ang mansiyon. Luminga-linga ako sa paligid, puro kakahuyan ang nakikita ko. Pag-aari nila ang lugar na hinintuan namin kaya wala nang mga bahay. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sa halip ay kinuha niya ang cellphone. Nang tingnan ko ang screen ay nakita kong may tinawagan siya. “Mauna na kayo,” wika niya sa kausap at agad ding pinatay ang tawag. Nakaramdam ako ng kaba at takot nang paunahin niya ang kaniyang mga tauhan. “B-Bakit mo sila pinauna?” kinakabahang tanong ko habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng mga tauhan niya. Muli, wala na naman akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Ngumisi lang siya sa akin. Lalo akong kinabahan nang hawakan niya ang sinturon, kinalas niya iyon habang puno ng pagnanasang nakatingin sa akin. “A-Ano ho ang binabalak ninyo, Senyorito? B-Bakit mo po hinuhubad ’yan?” tanong ko na unti-unting sumisiksik sa gilid ng sasakyan. “Huwag mong sabihing nagbabalak kang tumakas?” Tuluyan na niyang naibaba ang suot na pantalon kasama na ang underwear. “S-Senyorito, parang awa mo na po, sobra-sobra na po itong balak n’yong gawin. Huwag naman pong ganito,” pagsusumamo ko sa kaniya. Nanubig ang mga mata ko. Hinablot niya ang buhok ko at ipinagduldulan sa kaniyang pagk*lalaki. Nagpumiglas ako, binab*boy na nga niya ang katawan ko pati ba naman ang ganoong bagay ay ipapagawa pa niya sa akin. “Pasalamat ka at ayaw kong malaman ni Papa ang ginagawa ko sa ’yo. Dahil kung hindi, baka kanina pa kita sinamp*ga!” Sigaw niya. Muli niyang hinablot ang buhok ko. Tuluyan akong napaiyak sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking buhok. Inangk*n niya ako nang paulit-ulit kahit na nasa sasakyan lang kami. Wala akong nagawa kung ’di ang sumunod na lang sa mga gusto niyang gawin at ipagawa sa akin. Mas maigi nang ako ang magdusa kaysa ang kapatid ko. Hindi ko kakayanin na maranasan niya ang pangbab*boy na ginagawa sa akin. “We‘re here. Ayusin mo ’yang itsura mo, ngumiti ka. Para kang ginah*sa, eh.” Ngumiti siya sa akin ng nakakaloko. “Bakit, ano ba sa tingin mo ang ginawa mo sa ’kin? Hindi pa ba panggag*hasa ang tawag do’n!” Singhal ko sa kaniya at tinapunan siya ng matalim na tingin. “Ginusto mo din naman ’yon ’di ba?” natatawang sambit niya. “Dahil tinatakot mo ’ko! Kung hindi ko lang iniisip ang pwede mong gawin sa kapatid ko, baka matagal ko nang k*nitil ang sarili kong buhay dahil sa kababuyan mo!” singhal ko sa kaniya habang namamalisbis ang luha sa pisngi ko. “Nagiging palaban ka yata? Huwag ka nang magsayang ng lakas sa pakikipagtalo sa akin. Ireserba mo ’yan at gamitin mo na lang sa kama, baka sakaling matuwa pa ako.” “H*yop ka! D*monyo!” Galit na sigaw ko sa kaniya. “Tsk! Ang dami mong satsat. Get out! Now!” Nanlilisik ang mga mata na sigaw niya sa akin. Lumabas ako ng sasakyan at pabalyang isinara ang pinto. Wala akong pakialam kung makita man nilang magulo ang buhok ko. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hinubad ko ang damit at nagpalit ng uniporme. Oras na ng paglilinis sa silid ni Senyorito Lufer pero hindi muna ako pumunta doon dahil sa galit ko sa kaniya. Tinungo ko ang kusina at nagtanong kay Aling Sonia kung ano ang pwede kong maitulong sa kaniya. Pero ang sabi niya ay pinatatawag daw ako ni Donya Clara. “B-Bakit po kaya Aling Sonia? Kararating ko lang. Hindi pa po ako nakakapagsimula sa trabaho pero pakiramdam ko may ginawa na naman akong mali sa paningin niya kaya ako pinatawag,” kinakabahang sambit ko. Wala naman akong nagawang mali. Pero pakiramdam ko ay may nasilip na naman siya na pwede niyang hanapan ng butas para lang mapagalitan ako. “Baka hindi ka naman sisermonan. Sige na, umakyat ka na at baka magalit pa ’yon. Hindi mo malalaman kung ano ang sasabihin o ipagagawa niya sa ’yo kung tatayo ka lang diyan.” Pagtataboy sa akin ni Aling Sonia. Kinakabahan man ay pumunta pa rin ako sa silid ni Donya Clara. Ayaw na ayaw kong makaharap siya, hindi pa nga siya nagsasalita pero nakakatakot na ang mga tinginan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD