WARNING: MATURE CONTENT. READ AT YOUR OWN RISK. “O, kumusta naman ang pagbisita mo sa inyo, Iha?” usisa ni Don Lucio. Siya kaagad ang hinanap ko pagdating dahil may dala akong maruya na ipinadala ni Papa. “Ayos naman po, Papa. Gumawa po kami ng maruya. Kumakain po ba kayo nito?” Itinaas ko ang dala kong plastic food containers na naglalaman ng maruya na pinagtulungan naming gawin nila Papa at Kate. “Aba’y oo naman! Bigyan mo ’ko niyan. Tamang-tama, hindi pa ako nagmemeryenda. Pakisabihan na lang si Sonia na ipagtimpla ako ng kape.” Utos niya sa akin. “Kahit ako na lang po ang magtimpla, Papa,” nakangiti kong sabi. Pumasok ako sa bahay at tinungo ang kusina. Nadatnan ko si Aling Sonia na nagtitimpla ng kape. “Hello po, Aling Sonia! Nandito na po ako,” bati ko sa kaniya. Inilapag

