“May sasabihin ka ba, Iha?” tanong ni Don Lucio matapos niyang punasan ng tissue ang bibig. Kanina pa ako hindi mapakali. Nahihiya ako kaya hindi ko magawang magpaalam sa kaniya na balak kong pumunta kila Papa. Humugot uli ako ng malalim na paghinga. “A-Ano po kasi . . . ” Hindi ko alam kung nakailang buntong-hininga na ba ako mula kanina. “Sige na. Puwede kang pumunta sa pamilya mo. Ipinagpaalam ka na ng asawa mo sa akin kagabi. Inistorbo pa talaga niya ang tulog ko para lang magpaalam,” natatawang sambit niya. “P-Pasensiya na po kung naistorbo kayo.” Hinging paumanhin ko saka napayuko. “Ayos lang. Wala namang problema sa akin. Ipinahanda ko na ang sasakyang gagamitin mo. Dalawang bodyguards ang makakasama mo sa isang sasakyan. Ang ilan naman ay sa isa sasakay.” “Maraming sala

